Luis, Jennylyn pakakasal na? | Bandera

Luis, Jennylyn pakakasal na?

- February 25, 2012 - 04:12 PM

Atat na atat na raw magkaroon ng sariling pamilya

SA simbahan na nga ba mauuwi ang relasyon nina Luis Manzano at Jennylyn Mercado?

Very open naman kasi si Luis sa pagsasabing mukhang si Jennylyn na nga ang babaeng gusto niyang makasama habambuhay.

At ganu’n din naman ang isinasagot ng TV host-actress kapag tinatanong siya kung sa tingin ba niya ay si Luis na ang lalaking hinahanap niya bilang perfect partner in life.

Sa isang interview kay Luis sinabi nitong handa na siyang mag-asawa, “Well, I’m very, very happy and it’s only a matter of time.

Time can prove me right. Time can prove me wrong. But hopefully.

“At the end of the day, kung sino man ang mamahalin talaga ng puso ko nang buong-buo, na ihaharap ko talaga sa Diyos at sa pamilya ko, long way to go.

Alam ko na… of course, she has a family too, kaya ayoko namang biglain na, ’Yes, pakakasalan kita!’” chika ng bagong host ng Pilipinas, Deal Or No Deal na magsisimula na nga ngayong gabi sa ABS-CBN.

Dagdag pa ni Luis, “I’m not getting any younger. And siguro… yes I’m ready na nga!

When everything has been said and done, siguro it’s safe to say I have lived my life and there’s always a new chapter waiting to be explored.”

At feeling din ng actor-TV host, wala nang magiging problema sa kanyang mga magulang kung sakaling mag-decide na siyang magpakasal at magkaroon ng  pamilya.

Ayon sa mommy niyang si Gov. Vilma Santos okay na okay naman daw si Jennylyn at magiging masaya rin siya kapag nagkatuluyan ang dalawa.

Anyway, ngayong gabi na nga magsisimula ang bagong season ng Deal Or No Deal na ngayon ay iho-host na nga Luis, “Kaabang-abang ang magiging kulitan at pakikihalubilo ko sa contestants.

Alam kong napakalaki ng kailangan kong punan bilang host pero sa kabila nito, mas nangingibabaw pa rin ang excitement ko sa magiging karanasan ko sa Deal,” chika ni Luis.

I’m sure atat na atat na rin ang lahat ng Kapamilya viewers sa ikaapat na edisyon ng sikat na Endemol franchise na hindi lang nagpasaya at umaliw sa mga manonood, kung hindi nagbago rin ng buhay ng maraming Pilipinong lumahok dito, mapa-studio man o mapa-text.

Sa panibagong season na ito, isang mahigpit  at mas tusong Banker ang magbibigay ng offers sa mga studio contestant at bagong briefcase girls din, na tatawagin ng 24K Girls, ang maghahawak ng briefcases na naglalaman ng mga halagang babago sa takbo ng laro.

Tumataginting na P2 million pa rin ang jackpot na maaring mapanalunan ng mga studio players. Unang maglalaro ang balik-Kapamilyang ABS na si Carmina Vilarroel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tutukan ang pagbabalik ng Kapamilya Deal Or No Deal tonight na ‘yan pagkatapos ng TV Patrol Weekend.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending