Speaking of Dading, ayaw munang pangunahan ni Gabby Eigenmann ang posibleng extension ng kanilang soap dahil wala pa naman daw sinasabi sa kanila ang GMA management.
“Wala lang. Pero masarap lang na i-assume na tatagal pa,” ang pabading pang sey ni Gabby na pumayat ngayon after his gall stones operation three weeks back.
Masaya ang set ng Dading nang puntahan namin lalo pa’t in character sina Gabby at Gardo Verzosa na napakaganda pala kapag naging babae, in fairness, talbog pa nila ang beauty queen sa pag-upo at pagmuwestra ng mga daliri at paggalaw ng katawan.
“Kaya worth the wait, di ba? Imagine, after 17 years ko sa showbiz, meron akong ganitong project. Kaya nga worried ako kung ano ang magiging kasunod nito,” tsika pa ni Gabby na nasanay daw sa mga project after project noong supporting actor lang siya.
“Ito kasi ang bread and butter ko talaga. Pag wala akong work, nganga!” dagdag pa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.