Eugene masama ang loob, gusto nang layasan ang SHOWBIZ | Bandera

Eugene masama ang loob, gusto nang layasan ang SHOWBIZ

Ervin Santiago - August 18, 2014 - 03:00 AM


NILINAW ni Eugene Domingo ang mga balitang magku-quit na siya sa pag-aartista. Ayon sa TV host-actress, pansamantala siyang magpapahinga sa showbiz dahil feeling niya, nagawa na niya ang lahat ng pwede niyang gawin bilang isang alagad ng sining.

Sa interview sa kanya ni Boy Abunda, sinabi ni Uge na hindi siya gumigimik nang sabihin niya na plano niyang magpahinga muna sa pag-arte, at baka raw huling pelikula na niya ang historical-drama na”Barber’s Tales” na showing na ngayon sa mga sinehan.

Sey ni Uge, marami raw ang nagtatanong kung bakit kailangan niyang iwan muna ang showbiz samantalang, nasa peak pa siya ng kanyang career, “Bakit ka ba ganun, ‘yung mga pronouncements mo ganun, gusto mo nang tumigil sa pag-aartista, gimik ba ‘yan?”

“Gusto kong sabihin eh, four years ago ko pa to inisip, na kapag naramdaman ko na ‘yung tamang panahon, titigil ako, wala kayong magagawa,” paliwanag ni Eugene.

Ayon pa sa aktres, na nagwagi ngang best actress sa 2013 Tokyo International Film Festival para sa “Barber’s Tales”, hindi niya itatanggi na feeling niya mas naa-appreciate pa sa ibang bansa ang akting niya kesa sa sarili niyang bansa, “Kasi sa ibang bansa, wala silang alam kung ano ang ginagawa ko, comedy, bibihira, siguro ‘yung sumunod lamang. ‘Yung titingnan nila ‘yung pelikula, ‘yung materyal,” ani Uge.

Dagdag pa niyam “Una sa lahat sa mga international film fest the most important person is the film maker, not the actor, and that is the kind of respect I want.”

Ang wish ni Eugene, sana ay bigyan ng chance ng mga Pinoy ang kanilang pelikula dahil ipinagmamalaki nila ito at mabigyan pa ng parangal sa ibang bansa, “Judge the film, not the actors.

Eh dito, mauuna, kilala ako eh, sasabihin: Naku, nagdrama. Bakit? Patingin nga. Naku umpisa pa lang natatawa na ako, natatawa ako, susmaryosep!”

“Yung pelikula pagbigyan ninyo, tapos pwede niyo nang kalimutan ako, ‘yung pelikula lang,” hirit pa ni Uge.

( Photo credit to entertainment inquirer.net )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending