Unti-unting giginhawa | Bandera

Unti-unting giginhawa

Joseph Greenfield - August 18, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Danika ng Padada, Davao del Sur
Dear Sir Greenfield,
Magsisi man ako ngayon ay huli na at hindi na mababago ang mahirap kong pamumuhay.  Ang inakala kong mabait na manliligaw ay lasenggo pala at napaka-iresponsable.  Sa una, ikalawa at ikatlong anak ay naging leksyon sa akin para makipaghiwalay na ako.  Hindi na talaga magbabago ang asawa ko.  Laki ako sa lolo’t lola ko at sila ang kinagisnan kong magulang.  Hanggang sa ipaliwanag nila ang tunay.  Mahigpit ang lolo’t lola ko at wala akong kalayaan.  Masakit silang magsalita kaya nang dumating sa buhay ko ang napangasawa ko ay agad akong sumama sa kanya para makalaya na.  Hindi pala kalayaan ang pinasok ko kundi mas mabigat pang pagdurusa.    Kailan ba giginhawa ang buhay ko?  Ako’y isinilang noong
Hulyo 16, 1989.
Umaasa,
Danika ng Padada, Davao del Sur
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Nakalaan pa rin ang ginhawa sa buhay mo at ito ay mula sa malinaw na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad.  Maaaring ikaw ang unang mangingibang-bansa o kung di ka matutuloy, ang mga anak mo naman.  O kung gaganda ang ihip ng hangin, at titino ang mister mo, siya ay makapaga-abroad din.  Hindi mabilis ang pag-ahon sa kahirapan.  Unti-unti lang.
Cartomancy:
Ten of Diamonds, Eight of Diamonds at Four of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing 10 buwan ang lilipas simula ngayon, may kakaibang pangyayaring magaganap sa inyong buhay, na magdudulot ng positibong kapalaran. Sa panahong ito, tulad ng nasabi na, sa Palmistry, kundi ang isa sa mga anak ninyo ang makapaga-abroad maaring ikaw o kaya’y ang iyong mister.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending