'Akala ng madlang pipol ako ang nagtangkang mag-suicide!' | Bandera

‘Akala ng madlang pipol ako ang nagtangkang mag-suicide!’

Jobert Sucaldito - August 18, 2014 - 03:00 AM


NU’NG Sabado ng hapon ay nakatanggap ako ng missed calls mula sa ating friend and colleague na si Vinia Vivar. I immediately called her to ask why.

“Hay salamat. Buhay ka pala,” mabilis na sagot ni Vinia over the phone. “Kasi nagtext si Walden (Belen) at tinatanong kung totoong nag-suicide ka raw.

Tinatanong daw siya ng mommy niya (Tita Crispina Martinez Belen) kung totoo ang balitang nakarating sa kaniya kaya tinawagan ako ni Walden.

Sabi niya, alamin ko nga raw kung totoong nag-suicide ka. Jobert daw kasi ang name na taga-ABS,” ang pag-aalala ni kafatid na Vinia.Tawa ako nang tawa. Biro ko sa kaniya, bad time para mag-suicide dahil kamamatay lang ni Robin Williams.

Pag nag-suicide ako, baka hindi ako pag-usapan. Baka kahit sa page 3 ng mga tabloids ay hindi ako mailagay. Tawa nang tawa si Vinia sa joke ko.

I called Walden too at parang nahimasmasan ito nang makausap ko. A certain Jobert daw kasi attempted to commit suicide at pinigilan lang daw ito ni Direk Bobot Mortiz.

Isip kami nang isip hanggang sa mapagtanto namin ni Vinia over the phone na baka yung komedyanteng kapangalan ko ang tinutukoy nila. Definitely hindi ako, ‘no!

Vinia texted me at base sa research niya lumabas na ito nga raw si Jobert (Austria) na komedyante ang nag-attempt na tumalon sa 6th floor ng Sogo Hotel pero napigilan daw ni Direk Bobot.

I looked for Direk Bobot’s celfone number pero wala pala siya sa phonelist ko. Tinawagan ko si Direk Bobet Vidanes kung kilala ba niya itong si Jobert na ito at sabi nga niya mainstay daw iyon ng Banana Nite.

Agad niyang pinadala sa akin ang phone number ni Direk Bobot. I called Direk Bobot pero hindi ito sumagot. Ang daming tumawag sa akin at yung iba naman ay nag-text asking kung ako nga raw yung nag-suicide.

I cleared to them na hindi ako iyon. Nakakaloka. Ibang Jobert pala.”Ipa-patent mo nga ang pangalan mong Jobert Sucaldito para hindi ka napagkakamalan sa mga ganitong situwasyon.

Nakakakaba tuloy. Ang mommy ko (Tita Crispina) nagungulit na tawagan ka raw para alamin. Buti na lang at buhay ka pa pala kafatid,” ani Walden.

Sabi ko kay Walden, payuhan si Jobert na huwag munang mag-suicide this time dahil fresh pa nga si Robin Williams. After four to six months na ‘kako para solo niya ang frame. Ha-hahaha!

Seriously speaking, we have an unsolicited advice for Jobert Austria – life is very beautiful. Walang ni isa man sa atin ang may karapatang kitlin ang buhay natin.

Ang Diyos ang Siyang lumikha sa atin at hayaan natin kung hanggang kailan Niya tayo nais manatili sa mundong ibabaw. Ang mga problema ay dumadaan lang sa buhay natin – gaano man kabigat ang mga ito ay merong solusyon sa mga iyan.

Huwag tayong panghinaan ng loob – walang Jobert na sumusuko sa buhay. Matatapang ang mga Jobert kaya laban lang kung laban. Sana ay maisip ng tukayo kong ito ang maraming nagmamahal sa kaniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag siyang mawalan ng pag-asa. Hay naku, this is not a joke. Akala ko nga ako na yung sinasabi nilang nagpakamatay. Hindi pala. Kasi nga, isa-isang nagdatingan ang mga manliligaw ko, ‘no! Charoozzzzzz!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending