MAHAL namin ang macho actor nating si Derek Ramsay and whatever plans he has para sa kanyang buhay and karera ay desisyon niya iyon – desisyon nila ng kanyang manager na si kafatid na Joji Dingcong.
And thus, we have to respect it. Ganoon lang kasimple iyon.
Matagal nang lumutang ang balitang may magandang offer sa kanya ang TV5 kaya noon pa man ay nagsimula nang maglabasan ang mga issues na kesyo hindi siya inalagaan ng ABS-CBN, na parang pinababayaan siya ng istasyon.
Sa tingin naman namin ay parang hindi naman totoong pinabayaan siya.
Parang ibinigay naman sa kanya ng Dos ang good exposures na kailangan niya.
Tingnan n’yo naman, naging sikat na leading man siya – and is considered box-office star pa after ng dalawang projects – sa “No Other Woman” and “Private Benjamin”.
Kumbaga, he had tasted the best of the best sa ABS. Ano sa tingin ninyo?
In fact, napakaraming mga leading men ang ABS na naungusan niya, na hindi masyadong nabibigyan ng malalaking breaks.
Pero kay Derek, malalaking projects ang ibinigay sa kanya.
Kaya yung pinalalabas ng kampo ni Derek na parang binalewala siya ng Dos ay mukhang false.
Iyon ay analysis lang namin, ha.
Pero since he is bent on transferring sa TV5, so be it.
For me, mali ang move na ito ni Derek as far as popularity is concerned.
Nandoon na tayo, mas malaki tiyak ang perang kikitain niya sa Singko pero in terms of popularity, definitely he will wane. Believe me.
Kung breadtrip lang ang reason niya, okay iyon.
Pero kung pag-aalaga ng istasyon at kasikatan sa buong mundo ang pag-uusapan, he will truly suffer.
Mahina pa kasi ang Singko sa ratings game and even sa abroad, it will take so much time bago sila makasabay sa TFC.
Doon nagkamali ng desisyon si Derek.
And what happens to him after matapos ang kontrata niya sa TV5, sa palagay ba niya ay makakabalik pa siya sa ABS-CBN after nilang magsalita against his former mother network?
I doubt it. Masyadong matampuhin ang Dos.
I don’t know kung puwede pa nilang hilutin na huwag siyang umalis sa Dos.
Or baka done deal na ang kontrata niya sa TV5 kaya mahirap nang habulin.
Kungsabagay si Derek naman ay yung tipong hindi after sa popularity or dahtung, ang sa kanya lang naman siguro ay gusto lang niyang maramdaman ang inaasahan niyang extrang pagpapahalaga.
Baka iyon lang iyon. Good luck na rin though.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.