LINEUP NG GILAS SA ASIAD BUO NA | Bandera

LINEUP NG GILAS SA ASIAD BUO NA

Mike Lee - August 14, 2014 - 07:11 PM

SIYAM na manlalaro na nakatulong para makapasok ang Pilipinas sa FIBA World Cup ang tinapik ni national coach Chot Reyes para ibandera ang kampanya ng Pilipinas sa Incheon Asian Games sa susunod na buwan.

Si official Twitter account ni Reyes inanunsyo ang 12 manlalaro na aasahan ng medalya sa Asian Games sa pangunguna nina Jayson Castro, LA Tenorio, Gary David, Gabe Norwood, Marc Pingris, Japeth Aguilar at Junmar Fajardo.

Ang dalawang orihinal na kasapi ng koponan na sina Larry Fonacier at Jimmy Alapag ay hindi na isinama sa 17th Asian Games na gagawin mula Setyembre 19 hanggang Oktubre 4.

Mahuhusay naman ang kanilang kapalit sa katauhan nina Jared Dillinger at Paul Lee.

Si Fonacier ay nagpasabi na magpapahinga muna dahil sa iba’t-ibang injuries at si Dillinger ay sakto sa puwesto dahil bukod sa kakayahang bumira sa labas ay magaling din itong dumepensa.

Sa kabilang banda, halos magkatulad ang laro nina Alapag at Lee at ang huli ay nakitaan ng galing sa FIBA Asia Cup na kung saan nakuha ng bansa ang tansong medalya sa tatlong free throws ng Rain or Shine guard sa puntong tapos na ang laro laban sa host China.

Ang NBA player na si Andray Blatche ang siyang maghahatid ng puwersa sa ilalim kahalili ni 6-foot-9 Marcus Douthit.

Nasa Europe ngayon ang Gilas at sumasailalim sa tune-up bilang paghahanda sa FIBA World Cup sa Spain mula Agosto 30 hanggang Setyembre 14.

Puwede namang ibang manlalaro ang gamitin ni Reyes para sa World Cup.

Nais ng Pilipinas na mahigitan ang pilak na medalya na napanalunan ng bansa noong 1990 Beijing Asian Games at mataas ang paniniwala ng marami na kayang manalo ng ginto ang koponan lalo pa’t mas bata at mas mahusay si Blatche kay Douthit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending