Coco type dyowain ng mayayamang matrona | Bandera

Coco type dyowain ng mayayamang matrona

- February 20, 2012 - 04:06 PM

Nakakaloka ang isang kakilala naming mayamang matrona, talagang handa raw siyang gastusan si Coco Martin maging dyowa lang daw niya ang leading man ni Julia Montes sa teleseryeng Walang Hanggan. Ha-hahaha! Kakaloka, di ba?!

Say ng aming malandi pero rich na friend, “Wala akong pakialam kung maubos man ang pera ko, kung gawin niya akong alipin, basta maging dyowa ko lang si Coco, pwede na akong mamatay!”

Ganyan ang kamandag ni Coco sa mga kababaihan, not to mention the fact na sandamakmak din ng bading ang nag-iilusyon sa kanya.

Kaya nga sabi namin, kailangang samantalahin ng ABS ang kasikatan ni Coco, dapat bigyan siya nang bigyan ng mga projects hangga’t mabangung-mabango pa siya sa publiko.

Alam n’yo naman sa showbiz, mabilis ang pacing, sikat na sikat ka ngayon, pero bukas makalawa, waley na! Pero feeling namin, magtatagal pa ang ningning ng bituin ni Coco Martin. ‘Yun na!

Anyway, magsisimula nang umikot ang kapalaran ng karakter ni Coco Martin sa primetime series na Walang Hanggan.

Matapos ang mararahas na pinagdaanan, hindi na makakayanan ni Daniel (Coco) ang sakit na kanyang nararamdaman nang akalain niyang iniiwasan na siya n Katerina (Julia Montes), kaya’t magpapasya itong lisanin na ang hacienda ng mga Alcantara.

Makikita naman ito ni Emily (Dawn Zulueta) na magandang oportunidad para sa inaasam niyang paghihiganti sa mga Montenegro kaya’t pagdedesisyonan niyang kupkupin si Daniel.

Ngunit sa kabila ng maitim na balak, mangingibabaw ang lukso ng dugo lalo na sa pagpunta nila sa Italy para sa isang wine business venture.

Matuklasan na kaya ni Emily na si Daniel ang inaakalang niyang namatay na anak nila ni Marco (Richard Gomez)?

Huwag palampasin ang mas lalo pang tumitinding mga eksena sa Walang Hanggan pagkatapos ng E-Boy sa Primetime Bida ng ABS.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending