Isang napaka-abusadong congressman | Bandera

Isang napaka-abusadong congressman

Ramon Tulfo - August 12, 2014 - 03:00 AM

MALAKING pagkakamali ni Vice President Jojo Binay nang inihayag niya na gusto niyang maging running mate si Interior Secretary Mar Roxas sa 2016 presidential elections.

Baka nakalimutan ni Binay na nangako siyang gagawin niyang ka-tandem si Sen. Jinggoy Estrada na maging kanyang vice presidential candidate sa 2016 elections.

Si Jinggoy ay nakakulong ngayon habang hinihintay ang paglilitis ng plunder case na isinampa sa kanya at kina Sen. Juan Ponce Enrile at Bong Revilla.

Ngayong di na tutuparin ni Binay ang kanyang pangako kay Jinggoy, maaaring magpasya si Manila Mayor Erap na tumakbo muli sa 2016 elections.

Kapag pumasok si Erap, hands down na mananalo ito laban kay Binay kahit pa sa ngayon ay nangunguna ang bise presidente sa mga surveys.

Sa ngayon ay walang makakatalo kay Binay sa pagka-Pangulo, ayon sa mga surveys.

Pero kapag umentra si Erap, tumba si Binay dahil iisa lang ang kanilang inaaasahang sektor, ang masa.

Ang masa ay papanig kay Erap kontra kay Binay sakaling tumakbo silang dalawa sa 2016.

Noong 2010 presidential election, pumangalawa si Erap kay Pangulong Noynoy.

Ang dahilan lang kung bakit nanalo si Noynoy ay simpatiya ng taumbayan sa pagkamatay ng kanyang ina, si dating Pangulong Cory.

Di pa nga nangampanya si Erap noon na ang kanyang ka-tandem ay si Binay.

Nanalo si Binay laban kay Roxas sa vice presidential race, pero natalo si Erap.

Ngayong wala nang isyung emosyonal na gaya ng pagkamatay ni Cory, tiyak na mananalo si Erap hands down kapag siya’y tumakbo sa 2016.

* * *
Dapat lang na huwag manalo si Binay sa 2016.

Kayong mga masa na nagbabasa nito, pagsisisihan ninyo kapag ibinoto ninyo si Binay pagka-Pangulo sa 2016 elections.

Magtanong-tanong kayo kung bakit biglang yumaman ang mga Binay na mahirap na pamilya noong panahon ni Pangulong Marcos.

Si Jojo Binay ay isang human rights lawyer at wala namang kliyente na mayayaman noon.

Naging mayaman ang kanyang pamilya nang maupo si Binay bilang alkalde na pinalitan muna ng kanyang asawang si Elenita at ngayon ay ng kanyang anak na si Junjun.

Mga kasong graft and corruption ang naisampa sa mga Binay bilang alkalde ng Makati, but for one reason or the other ay nalulusutan nila ang mga kaso.

Si Abigail Binay na congresswoman ay nakatira sa Dasmarinas Village na tinitirhan ng mga multi-millionaires.

Saan niya kinuha ang pera na pinambili niya ng bahay sa Dasma sa kanyang suweldo bilang miyembro ng House of Representatives?

Dapat magtanong-tanong din ang mga botante kung totoo ang tsismis na kapag nagpatayo ang isang developer ng high rise condominium sa Makati, isa o dalawang units ay dapat maibigay sa mga Binay.

Dapat magtanong-tanong din ang mga botante kung bakit ayaw ng mga Lopez na nagma-mayari ng ABS-CBN ang mga Binay.

Ang mga Lopez kasi ay nagmamay-ari din ng Rockwell complex sa Makati na kinabibilangan ng shopping mall at condominium towers.

Ang mga nabanggit ko ay mga tsismis, pero sinasabing kapag may usok at may apoy.

* * *
Believe  or not, walang piskal sa Benguet Provincial Prosecutor’s Office ang gustong kalabanin si Baguio Congressman Nicasio Aliping.

Si Aliping ay sinampahan ng mga kasong kriminal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa pagpuputol ng 761 pine trees sa Sto. Tomas forest reserve and watershed.

Ayaw hawakan ng mga piskal ng Benguet ang kaso laban kay Aliping.

Sabi ng isa, kasamahan daw niya si Aliping sa Mason; ang isa naman ay kamag-anak daw niya ang unang asawa ni Aliping na namatay na.

Namputsa, bakit pa sila naging piskal kung nagiging sagabal sa kanilang trabaho ang kanilang personal na mga relasyon!

* * *
Ang pamilya ni Congressman ay may limang ektaryang lupa sa Mt. Cabuyao malapit sa Sto. Tomas watershed area.

Iniutos daw ni Congressman Aliping na putulin ang mga punongkahoy upang makapagtayo ng dalawang kilometrong daan papunta sa kanyang property.

Ang pagpuputol ng mga punongkahoy sa watershed ay naging sanhi ng pollution ng watershed kung saan nanggagaling ang tubig inumin ng mga residente ng Baguio City .

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Aliping ay isang dahilan kung bakit ang Mababang Kapulungan ay tinatawag na House of Representathieves.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending