Vice pinaiyak ni Lyca: Naalala kong bigla ang tatay ko! | Bandera

Vice pinaiyak ni Lyca: Naalala kong bigla ang tatay ko!

Ervin Santiago - August 12, 2014 - 03:00 AM


Hindi napigilan ni Vice Ganda ang kanyang emosyon – napaiyak talaga siya nang kumanta sa harap niya ang The Voice Kids winner na si Lyca Gairanod.

Special guest kasi ni Vice si Lyca at ang tatlo pang grand finalists ng The Voice Kids na sina Darren Espanto, Juan Karlos Labajo at Darlene Vibares.

Napaluha ang comedian-TV host nang kantahin ni Lyca ang Tagalog version ng Luther Vandross classic na “Dance with My Father” sa Gandang Gabi Vice noong Linggo.

Ayon kay Vice, bigla raw niyang naalala ang kanyang tatay habang kumakanta si Lyca. Pabiro pa nitong sinisi ang bagets, “Ito kasi si Lyca, e. Pinaiyak ako, e.!”

In fairness, iba talaga ang epekto ng boses ni Lyca sa mga tao, tumatagos kasi sa puso at kaluluwa ang bawat pagbigkas niya ng lyrics ng kanta.

Kaya siguro bigla na lang naiyak si Vice habang kumakanta si Lyca – yung feeling na bigla niyang na-miss ang kanyang ama na matagal nang patay.

Sey ni Vice sa kinanta ni Lyca, “Alam n’yo, ‘yan ang isa sa mga pinakamagandang kanta na nalikha sa buong mundo, na lalong gumanda pa nang kantahin mo (Lyca), kasi parang anghel ‘yung naririnig namin.

Hirit pa ni Vice, “May kanta talaga na sa sobrang ganda, nakakabwisit na! Katulad niyan!” Kaya tawanan ang lahat ng audience sa studio.

Na-touch naman ang mga manonood nang tumayo ang apat na bagets para yumakap kay Vice na patuloy pa rin sa pag-iyak.

( tv grab gandang gabi vice )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending