Karla: Bata pa lang si Daniel nakita ko nang sisikat siya! | Bandera

Karla: Bata pa lang si Daniel nakita ko nang sisikat siya!

Ervin Santiago - August 11, 2014 - 03:00 AM


Bata pa lang daw si Daniel Padilla naramdaman na ng kanyang inang si Karla Estrada na magiging sikat na artista ang kanyang anak. Sa isang episode ng Kris TV, sinabi ng aktres na sa tagal niyang sa industriya ng showbiz, feel na niyang may magandang future si DJ sa pag-aartista.

“Dati kung naaalala niya palagi kong sinasabi, ‘anak huwag kang lumabas at magiging artista ka. Alagaan mo yung katawan mo,’ ganoon-ganoon. Kasi nakita ko na ito, nakita ko na sa kanya yon, nakita ko,'” kuwento ni Karla.

Dagdag pa nito, “Sa tagal ko naging artista, alam mo na kung sino ang may dating at wala. And I always say this, nagkataon sa anak ko nakita ko. Kaya lagi ko siyang ginaganoon.

Kahit nu’ng grade school yan (sasabihin ko sa kanya), ‘DJ ano ba yan, may peklat ka na naman.’ Or, ‘DJ, alagaan mo ang sarili mo at maga-artista ka, anak.’

“Tapos one day sinabihan ko siya bago kami lumipat ng Pasig noon, kasi alalang-alala ako dahil ito na yung time na may tumawag sa akin para sa Growing Up.

(Sabi ko) ‘O anak, ito na yun, makikinig ka lang sa akin at makakalayo tayo sa lahat ng ito, makinig ka lang sa akin.’ Yun, nagdire-diretso siya kasi nakita kong mangyayari ito.

Hindi ito pagyayabang, nakita ko talaga,” pagbabalik-tanaw ng nanay ni Daniel. In fairness, isa na nga si Daniel sa maituturing na pinakabatang artista na talagang nag-akyat ng maraming pera sa kaban ng ABS-CBN, with his blockbuster movies and hit teleserye with Kathryn Bernardo.

Imagine, umabot na sa P260 million ang kinita ng “She’s Dating The Gangster” and still counting. Balitang sina Daniel at Kathryn ang magre-remake ng seryeng Pangako Sa ‘Yo nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa na feeling namin ay magiging super blockbuster din tulad ng original version.

( Photo credit to daniel padilla official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending