Umiwas sa asthma attack | Bandera

Umiwas sa asthma attack

Dr. Hildegardes Dineros - August 08, 2014 - 03:00 AM

HINDI biro ang pakiramdam nang parang nalulunod, lalo na kung wala ka naman sa tubig! Hirap ang daluyan ng hangin sa iyong respiratory tract – ang mga tubo na nagdadala ng hangin papunta sa baga at pabalik palabas.

Mag-aalala ka kapag humuhuni ka sa tuwing dadaan ang hangin sa iyong “bronchi”. Matakot ka kapag pilit mong itinitulak ang hangin sa pamamagitan ng mga laman o muscles sa dibdib at balikat na sa ordinaryong sitwasyon ay hindi mo naman ito ginagamit.

Ano ba ang hika?

Ito ay sakit ng baga at mga daluyan ng hangin na siyang sumisikip kapag may atake. Ang pagsikip ay isang “hypersensitivity reaction” kung saan nagkakaroon ng “bronchial muscle spasm” at kadalasan ay nasasamahan ng marami at malagkit na plema.
Mas mahirap lumabas ang hangin galing sa baga, naiipon ito. Sa likod ng “hypersensitivity”, merong mga bagay na pwedeng mag-trigger o magpalala ng atake ng asthma.

Merong mga allergens gaya ng alikabok, insekto, “pollens” galing sa halaman at bulaklak, “mold”, at mga buhok ng hayop.

Maaaring maka-irita ang mga kemikal na galing sa polusyon, “sprays” kahit pabango pa ito.

Mayroon mga gamot na gaya ng Aspirin na maaring mag-umpisa ng allergy. Alam nyo ba na kahit ang sagarang ehersisyo ay maaaring humantong sa ganitong sitwasyon? Syempre pa nandyan ang mga mikrobyo na magdudulot ng sipon at ubo.

Alam ba ninyo na ang bawat tao ay may asthma?

May mga manggagamot na nakatutok sa baga at allergy ang espesyalisasyon. Sila ay ang pulmonologist, allergologist, at pati na rin ang mga internist at pediatrician.

Sigurado ako na pag may hika ka, minsan sa buhay mo ay nagpakonsulta ka na sa kanila. Naibigay na sa iyo ang mga kaalaman tungkol sa hika. Para doon sa mga bago pa lang na nagka-hika, mahalaga na magpa-konsulta sa mga espesyalista.

Ang gamutan ay nakatuon sa pag-iwas sa mga allergens at irritants. Mahalaga ang magkaroon ng maintenance medication dahil ayaw natin na maging malubha ang atake.

Sinasabing walang lubusang paggaling ang hika, kontrol lamang ng sintomas nito ang maidudulot ng mga gamot. Maaaring mabigyan ka lang ng maginhawang pagtulog sa gabi, magkaroon ng normal na paggalaw o gawa, pagbawas ng pangangailangan ng emergency medicines at ang madala sa emergency room.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May gamot na pang-matagalan (maintenance) at mayroon din ang pang-madalian (quick-relief). Pareho gumagamit ng sinisinghot (inhalers) at iniinom (oral). Mahalaga na laging dala ang mga gamot kahit saan man pumunta. At mas mahalaga ang iwasan ang asthmatic attack.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending