Deniece, Cedric nganga, ayaw talagang patawarin ni Vhong | Bandera

Deniece, Cedric nganga, ayaw talagang patawarin ni Vhong

Cristy Fermin - August 07, 2014 - 03:00 AM


Maraming natuwa sa naging desisyon ni Vhong Navarro na hindi makipagkita   kina Cedric Lee at Deniece Cornejo. Nagtangkang pag-ayusin sila sa pamamagitan ng mediation, pero nabigo ang mga namagitan, matindi ang paninindigan ni Vhong na hindi siya magpapaareglo.

Na dapat lang naman. Ano ‘yun, kending kinuha sa kanya na nu’ng pagsawaang namnamin ay basta isosoli na lang sa kanya, ganu’n na lang ba naman ‘yun?

Napakatindi ng nangyari kay Vhong, buhay niya na ang nakataya du’n, pagkatapos ay makikipag-areglo lang siya sa bandang huli? Hindi na niya makakalimutan pa ang nangyari sa kanya nu’ng nakaraang January 22 nang gabi.

Umuusad na ang hustisya, ang mga kasong isinampa laban sa kanya ng tropa nina Cedric at Deniece ay isa-isa nang ibinasura ng korte, ang mga naiiwanan na lang ngayon na dinidinig ay ang mga asuntong siya mismo ang naghain laban sa grupong nanakit nang pisikal sa kanya.

Dapat lang magdusa ang mga gumawa nu’n, hindi sa lahat ng pagkakataon ay malulusutan ng mga ito ang kanilang mga ginagawa, mas matapang pa nga ngayon ang kampo ni Vhong dahil may hawak silang karagdagang ebidensiyang lalo pang magdidiin sa grupo nina Deniece at Cedric Lee.

Sa hawak nilang ebidensiya ngayon ay lalong naging malinaw na ang lahat ng naganap nu’ng January 22 nang gabi ay planado pala, talagang pinag-usapan at inupuan, kaya mas nadadagdan pa ang lakas ng loob ni Vhong Navarro para ipagpatuloy ang kanyang mga laban.

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending