Julie Anne may bagong pasabog para sa loyal fans | Bandera

Julie Anne may bagong pasabog para sa loyal fans

Dinno Erece - August 07, 2014 - 03:00 AM


Ilo-launch na ang bagong music video ni Julie Anne San Jose. Bukod sa pagbirit niya sa musical variety show na Marian, maghahatid ng excitement ang Asia’s Pop Sweetheart at ang GMA Network sa pamamagitan ng launch ng “Sing With MyJAPS” music video promo na tatagal hanggang Aug. 22.

Pagkatapos ng matagumpay na release ng pangalawang album ni Julie Anne na “Deeper”, inilulunsad ng GMA ng isang promo para sa lahat ng mga Kapuso fans na kinagigiliwan ang kanyang bright pop at R&B music.

Ang promo ay nagbibigay ng pagkakataon sa lahat upang maging bahagi ng music video ng hit carrier single ni Julie Anne na “Right Where You Belong” mula sa kanyang pinakabagong album na ipapalabas sa iba’t ibang programa ng GMA.

Inaanyayahan ang mga Kapuso fans, music lovers, at netizens na kumuha ng video ng kanilang sarili o ng ibang tao habang inaawit ang chorus ng “Right Where You Belong” gamit ang isang video camera o smart phone.

Ang minus one ng chorus part ng nasabing single ay maaaring i-download sa video-sharing website na YouTube. Ang mga entries ay kailangang nasa MP4 format kapag ipinadala sa [email protected] kasama ang pangalan at address ng sender.

Kinakailangan ding ilagay ang hash tag na #SingWithMyJaps bilang subject ng email. Ang final “Right Where You Belong” music video ay ilalagay sa YouTube channel ng GMA Records (GMARecordsOfficial) at ipapalabas nationwide sa Kapuso Network.

Maaari itong mapanood sa buong mundo sa pamamagitan ng GMA Pinoy TV at GMA Life TV.

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending