Gov’t employee naka-jackpot ng halos P9.1M sa lotto
ISANG empleyado ng gobyerno ang isa sa dalawang nanalo ng P18.3 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45. Kinuha na ng nanalo ang kanyang premyo sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office. Ang hindi pinangalanang nanalo ay 54-taong gulang, may-asawa at tatlong anak. Nagkakahalaga ng P40 ang itinaya ng nanalo sa bola noong Hulyo 28. Dalawa silang nakakuha sa mga lumabas na numerong 18-42-33-23-13-26. Ang isa pang nanalo ay isang babaeng occupational therapist na taga-Quezon City. Titipirin umano ng nanalo ang kanyang P9.1 milyong premyo upang mayroon na siyang pang retiro at matitiyak na magiging maayos ang kinabukasan ng kanyang mga anak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.