NAKAKALOKA si Sarah Geronimo! Kasi ba naman, sinabi niyang open na siya sa mga issues sa kanya pati na ang pagbabago sa kanyang personality dahil may bago siyang show, ang Sarah G Live!.
At dahil isang musicale, natanong si Sarah kung sino ang mga type niyang mag-special guest co-host niya.
She rattled off some names which included John Lloyd Cruz, Sam Milby and Gerald Anderson.
Pero nang tanungin siya kung puwede ring mag-guest si Rayver Cruz ay natigilan si Sarah.
“Op…,” sambit ng singer-actress kaya nagtawanan ang press.
Pero saglit lang ang pagkabigla ni Sarah dahil sinabi kaagad nito na, “Opo naman. Okay na naman po kami ni Rayver”.
Umiwas si Sarah nang tanungin kung niyaya siya ni Gerald na mag-date noong nakaraang Valentine’s Day, “Puwede po bang secret? “Puwede po bang siya na lang ang tanungin ninyo kasi nahihiya po ako na manggaling sa akin,” aniya.
Sarah welcomed the idea of dating Gerald.
“Kung libre naman po ako mamaya at papayag naman ang parents ko bakit naman hindi?” aniya.
Sarah was also asked about her rumored animosity with Vice Ganda. Reports have it na naimbiyerna si Vice nang malaman niyang ang Sarah G Live ang ipapalit sa show niyang Gandang Gabi Vice,
“Hindi ko alam ‘yung kuwento. But I heard na gagawa ng bagong show si Vice,” sabi ni Sarah.
To shed light on the issue, Sarah G. Live director Erick Salud explained na nagsabing good for one season lang at na-extend lang ang show ni Vice Ganda at in-assure niyang magkakaroon ito ng bagong show middle of this year.
Sarah seemed clueless kung bakit may intrigang lumalabas sa kanila ni Vice Ganda.
“Hindi ko nga po alam kung bakit may issue. Magkasama kami sa ‘Hating Kapatid’,” sabi pa ni Sarah.
Actually, nakatakda pa nga raw siyang mag-guest sa show nito sa huling episode ng Gandang Gabi Vice.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.