Marian kay Dingdong: Happy birthday dad! I love you!
Ibinahagi ni Marian Rivera sa kanyang Instagram account ang naging birthday surprise niya kay Dingdong Dantes. Nakita namin ang litrato ni Dingdong kasama ang kanyang birthday cake.
Nilagyan ito ng caption ni Marian ng, “Makita ko lang ang mga ngiting yan at nag niningning na mata mo saya… Haay hindi matatawaran ang ligayang nararamdaman ko, hanggang kaya ko iparamdam at gawin yan sayo sa araw araw na ibinibigay ng Diyos na buhay gagawin ko… Makita ko lang yan Palagi sayo. Happy Birthday Dad! I love you.
“Thank you sa lahat ng present sa araw na ito, sa lahat nang kakunchaba ko para maging successful ang surprise party na ito, at higit sa lahat sa mga nagmamahal kay Dong.
Salamat ng marami sa inyo! With much love and appreciation. Special thanks to @teddymanuel @_joylopez @wolfgangph/LizaNakpil and Ferdie Garcia @angelinedantes @jcdgonz.”
( bandera.ph file photo )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.