V-Date nina Sarah at Gerald WAGI O MALAS? | Bandera

V-Date nina Sarah at Gerald WAGI O MALAS?

- February 15, 2012 - 03:33 PM

KAHIT single pa rin hanggang ngayon si Sarah Geronimo (‘yan ang ayon sa kanya, ha!), hindi naman daw siya nakakaramdam ng kakulangan sa kanyang pagkatao o ng grabeng kalungkutan dahil until now ay wala pa rin siyang lovelife.

Pero kung ang mga fans ni Sarah ang tatanungin, mas naniniwala silang may relasyon na ang Popstar Princess at si Gerald Anderson.

At nirerespeto raw nila ang dalawa kung ayaw man daw umamin ng mga ito.

Kahapon, Valentine’s Day, humarap sa entertainment press si Sarah para sa bago niyang musical show sa ABS-CBN, ang Sarah G. Live na magsisimula na sa Feb. 26, Sunday. Hindi maamin-amin ng dalaga kung tuloy ang  Valentine date nila ni Gerald.

Puro bungisngis ang kanyang isinasagot sa mga tanong about her rumored BF.

“Pwede bang secret muna? Ha-hahaha!” aniya. And reading between the lines, mukhang “madidiligan” na naman ng pagmamahal ang Pop Princess.

Abangan na lang natin bukas kung saan dinala ni Gerald si Sarah.

Nauna rito, sinabi ni Sarah na sa ngayon daw ay talagang hindi pa niya nakikita ang kanyang sarili na may commitment sa isang lalaki, mas gusto raw niyang magpaka-busy sa trabaho dahil alam niyang hindi naman forever ang career ng isang artista o singer.

“Ang lagi ko nga pong sinasabi, like sa mga past interviews ko, hindi naman masamang makipagkaibigan sa mga guys.

Pero ‘yung relationship, sa  commitment, parang hindi po muna ngayon,” sabi pa ng mas lalong gumagandang Pop Princess.

May advice naman si Sarah sa mga tulad niyang single and independent women,

“Well, siyempre, it’s up to them naman kung gusto nilang makipag-date, di ba? Or kung anuman ang plans nila for that day.

Basta ‘yun, sana mag-ingat lang din sila.

“Hindi porke’t Araw ng mga Puso, ibibigay na ang buong puso.

Enjoy nila. Enjoy nila ang Valentine season with their loved ones,” chika pa ni Sarah.

Inamin din ni Sarah na hindi naman daw siya atat sa celebration ng Valentine’s Day,

“Kasi actually po, hindi siya ‘yung something na nilu-look forward ko talaga.”

Anyway, handang-handa na nga ang tinagurian ding Pinoy pop royalty sa kanyang sariling live solo musical variety show sa ABS-CBN, ito ngang Sarah G. Live na talaga raw gagastusan nang bonggang-bongga ng Dos.

Abangan daw natin ang mas matapang at mas mapangahas na Sarah tuwing Linggo ng gabi tampok ang kanyang mga hindi mapapantayang world-class concert performances na magpapatunay na siya ang pinakamaningning na bituin ng kanilang henerasyon.

Bukod sa kanyang singing talent, ibabahagi rin ni Sarah sa Sarah G. Live ang kanyang mga personal na karanasan at ilang never-before-seen “Sarah G. moments” na tiyak ikaliligaya ng fans.

Ngayon, wala nang makapipigil sa Pop Princess na patuloy na kuminang bilang isa sa pinakamahusay na total concert performers ng bansa.

Makakasama ni Sarah na magpasaya sa Sarah G. Live ang co-host niyang si Luis Manzano, musical director Louie Ocampo,

choreographer Georcelle Dapat-Sy, at director Erick Salud.

Tampok rin sa show ang G Force at si Gab Valenciano bilang dance performers and isang special guest co-host kada linggo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag palampasin ang engrandeng pagbubukas ng Sarah G. Live sa Feb. 26 pagkatapos ng Rated K sa ABS-CBN lang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending