Guro pero repacker | Bandera

Guro pero repacker

Joseph Greenfield - July 31, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Leilani ng Lagao 1st, General Santos City
Dear Sir Greenfield,
Kailan kaya darating sa buhay ko ang matinong trabaho?  Sa maniwala kayo o hindi, ang mga trabahong pinasukan ko a repacker, warehouse clerk, merchandise clerk at lahat ng iyan ay contractual lang ako.  Pagkatapos ng limang buwan ay wala na naman akong trabaho at maghihintay na naman ng ilang buwan bago makapasok sa trabaho.  Pinagtatawanan na nga ako pag naga-apply dahil ako’y graduate ng kursong Bachelor of Science in Elementary Education.  Hindi ako makapagturo dahil hindi ako pumasa sa licensure examination.  Ako’y isinilang noong Mayo 27, 1993.  Kailan kaya ako magkaka-boyfriend at makapag-aasawa?
Umaasa,
Leilani ng Lagao 1st, General Santos City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Huwag kang mag-alala dahil malinaw ang Fate Line (Illustration 1-1 arrow 1) sa palad mo at hindi ito maitatago.  Ang Fate Line ay ang iyong career.  Ganyan ang umpisa, pasundot-sundot lang ang iyong trabaho o hindi regular, pero hindi ka naman nawawalan ng income kahit paano. Gayunpaman, ‘wag kang mainip, dahil hindi matatapos ang taon ito magkakaroon ka na ng trabaho.
Cartomancy:
Jack of Hearts, Queen of Clubs at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng lalaking kasing edad mo, sa isang kilalang kompanya na may kaugnayan sa pagkain, mapapasok ka na at magkakaroon ng regular na trabaho.
Itutuloy…   

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending