Dehado ang Kia sa PBA Draft | Bandera

Dehado ang Kia sa PBA Draft

Barry Pascua - July 27, 2014 - 03:00 AM

PUWERSADO ang Kia Motors na kunin si Manny Pacquiao bilang una  nilang pick sa 2014 PBA Rookie Draft na gaganapin sa Agosto 24 sa Robinsons Place Manila.

Ito’y matapos na magsumite si Pacquiao ng application sa naturang Draft kamakailan. Ang Kia Motors, gaya ng fellow expansion team na Blackwater Sports ay hindi binigyan ng special treatment ng PBA.

Mamimili sila matapos makapamili ang sampung ibang teams. Ibig sabihin ay 11th or 12th pick ang makukuha ng Kia Motors kaya 11th o 12th pick ng Draft si Pacquiao.

Ito’y kung palalampasin siya ng sampung mauunang mamili sa Draft. Kasi nga, kagaya ng nasabi na natin, puwede siyang piliin ng ibang koponan sa first round at pagkatapos ay i-trade sa Kia Motors kapalit ng hindi lang isa kundi ng maraming future Draft picks.

Kasi nga ay talaga namang sa Kia pupunta si Pacquiao dahil sa siya ang head coach ng koponang ito. Gusto lang ni Pacquiao na maging playing coach at para mangyari ito ay kailangan niyang magpa-draft.

Hindi siya binigyan ng special consideration ng PBA na makadiretso sa Kia bilang player. Na siyang tama namang mangyari.
So, kahit na anong mangyari, si Pacquiao ay mapupunta sa Kia.

Kahit kunin siya ng ibang team sa Draft ay sa Kia pa rin siya dapat pupunta.Puwedeng kunin siya ng Kia sa pamamagitan  ng trade. Puwede ring sabihin ni Pacquiao na magreretiro siya bago pa man maglaro kung sakaling kukunin siya ng ibang team.

Kung mangyayari iyon, masasayang ang draft pick ng team na pipili sa kanya. Maba-blacklist din si Pacquiao bilang player.
Pero balewala naman iyon dahil patuloy naman siya bilang coach ng Kia.

Sakali namang kunin siya ng Kia by trade kung may ibang dadampot sa kanya, aba’y lugi agad ang Kia. Kasi mas malaki ang maipamimigay nila.

Ipagpalagay naman nating pinalampas ng sampung ibang teams si Pacquiao at kinuha siya ng Kia bilang 11th or 12th pick, aba’y sasayangin din ng Kia ang pagkakataong makakuha ng batang manlalaro na puwedeng maging future ng kanilang prangkisa.

E, kung titingnan ang mga manlalarong nadampot ng Kia Motors sa Expansion Draft na ginanap noong Biyernes, wala namang marquee player doon, e. Nakuha ng Kia sina Hans Thiele, Mike Burtscher, Jai Reyes, Alvin Padilla, LA Revilla, Paul Sanga, Angelus Raymundo, Eder Saldua, Nic Belasco, Joshua Webb at Richard Alonzo.

Kumbaga’y tanging si Pacquiao ang kanilang crowd-drawer. Pero hindi naman maipapanalo ni Pacquiao ang Kia bilang manlalaro. Hahatak lang siya ng fans.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero kapag napagtatalo na ang Kia Motors sa kawalan ng mahusay na manlalaro, kaya pa kaya silang isalba ng popularidad ni Pacquiao?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending