PORMAL na iniluklok si dating Philippine Sports Commission (PSC) chairman Philip Ella Juico bilang bagong pangulo ng Philippine Amateur Track and Field Association (Patafa) sa halalan na ginawa kahapon sa Orchids Garden Suites Manila.
Naunang namili ng 10 indibidwal ay 25 mula sa 34 botante na dumalo sa halalan at matapos nito ay tsaka nagbotohan ang mga ninombra bilang mga bagong opisyal na samahan na maninilbihan hanggang 2018.
Makakasama ni Juico bilang opisyales sina Alipio Fernandez bilang chairman, Atty. Nicanor Sering bilang vice president, Lucy Arciaga bilang treasurer, Maricor Pacheco bilang secretary at Jeanette Obiena bilang auditor.
Ang dating pangulo na naupo sa puwesto mula 1990 na si Go Teng Kok ay nilagay bilang board member kasama sina Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, Cham Teng Yong at Pio Chua.
Hindi nagpadala ng kinatawan ang Philippine Olympic Committee (POC) pero sinaksihan ang eleksyon ng tatlong Asian Athletics Association (AAA) officials sa pangunguna ni secretary-general Maurice Nicholas at dalawang kinatawan ng Securities and Exchange Commission (SEC) na sina Atty. Rudolph Van Guarin at Atty. Erwin Mendinneto.
“We will reach out with the stakeholders, including the POC and the PSC,” wika ni Juico. Isang General Assembly ang balak gawin ni Juico sa Nobyembre para makumpleto ang amendments na ginagawa sa Constitution at By Laws ng Patafa at ito ay ipapadala sa POC para sa kanilang pagsang-ayon.
Sinabi pa ni Juico na nagkaroon na rin siya ng mga inisyal na pakikipag-usap sa POC at PSC para unti-unti ay maisaayos na ang gusot na nangyari sa mga nagdaang taon.
( Photo credit to inquirer news service )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.