Claudine sa abogado ni Raymart: Sorry ka, hindi ka maganda para magustuhan ni Atty. Topacio!
Hindi maganda sa panlasa ang ginawang pangmamaliit-pamemersonal ni Claudine Barretto kay Attorney Ruth Castelo, abogado ni Raymart Santiago, sa isang episode ng Face The People kung saan sentrong panauhin ang kanyang tagapagtanggol na si Attorney Ferdie Topacio.
Matindi ang galit ng aktres sa abogado ng nakahiwalay niyang mister, ito ang sinisisi niya kung bakit ang dapat daw sanang pagkakaayos na nila ni Raymart ay naudlot pa, pero hindi niya idinaan ang laban sa maayos na paraan.
Ayon kay Claudine ay masyado raw feeling ang abogado ni Raymart, “Hindi ka maganda, hindi ka tipong artistahin para magustuhan ka ni Attorney Topacio, sorry ka na lang!” madiing sabi ng aktres.
Ang gusto kasing mangyari ni Claudine ay tanggalin ni Raymart si Attorney Castelo at kumuha na lang ito ng ibang tagapagtanggol, pero walang dating ‘yun sa aktor.
Deadma lang si Raymart sa kapritsong gustong mangyari ng ina ng kanyang mga anak. Dahil du’n ay lalong nagalit si Claudine kay Attorney Castelo, pinersonal na niya ang abogadong gumaganap lang naman sa kanyang tungkulin, pinersonal niya ito nang todo.
Siguradong hindi papatulan ni Attorney Ruth Castelo si Claudine, una’y edukado at propesyonal ang abogado ni Raymart, ikalawa ay hindi nito gagamitin sa walang kabuluhang argumento ang napakahalaga nitong oras.
Pinaliliit na talaga ni Claudine Barretto ang kanyang mundo, kumbaga sa sundalo ay putok na lang siya nang putok, kahit wala namang direksiyon ang mga pinakakawalan niyang bala.
( Photo credit to claudine barretto official fanpage )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.