Willie sinugod si Papa Jack sa istasyon ng Radyo | Bandera

Willie sinugod si Papa Jack sa istasyon ng Radyo

Julie Bonifacio - July 23, 2014 - 03:00 AM


SINORPRESA ni Willie Revillame ang radio host na si Papa Jack sa kanyang programa last Friday night. Laking gulat ni Papa Jack nu’ng dumating sa kanyang radio booth si Willie.

Maging ang radio listeners ni Papa Jack ay hindi rin makapaniwala na boses nga ni Willie ang naririnig nila na nasa loob ng radio station. Masaya naman syempre si Papa Jack sa pagdalaw ni Willie sa kanya.

Pagkatapos ay binibiro ni Willie si Papa Jack na ‘yung mga kanta niya na ang dapat na pinaparinig ng radio host sa kanyang listeners. Hangang sa nabanggit ni Willie na ‘yung kanta niyang “Boom Tarat-Tarat” ay napalitan na raw ng “Boom Panis!”

What a coincidence naman na ang kantang “Boom Panis!” ay awitin ni Unkabogable Star Vice Ganda. Isa si Vice sa mga host ng kasalukuyang noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime.

Ang timeslot ng programa ni Vice ay dating inookupahan ng noontime show ni Willie na Wowowee kung saan naman sumikat ang awiting “Boom Tarat-Tarat.”

Nag-stay pa ng medyo matagal si Willie sa radio show ni Papa Jack. Sasagot na nga rin sana sa ilang callers si Willie pero ‘yung iba ibinababa agad ang telepono.

Either akala nila siguro wrong number dahil hindi boses ni Papa Jack ang naririnig nila or nahihiyang kausapin si Willie.
At least, may time si Willie na dumalaw sa mga radio station to promote his album kahit busy pa rin siya sa ipinapatayo niyang hotel sa Tagaytay.

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending