Ser Chief: Ay, hindi naman, alam ko ang type ni Vice sa lalaki! | Bandera

Ser Chief: Ay, hindi naman, alam ko ang type ni Vice sa lalaki!

Julie Bonifacio |July 22,2014
facebook
share this

Ser Chief: Ay, hindi naman, alam ko ang type ni Vice sa lalaki!

Julie Bonifacio - July 22, 2014 - 03:00 AM

RICHARD YAP, VICE GANDA AT DEREK RAMSAY

NAGBUKAS muli ng panibagong restaurant ang tsinitong aktor na si Richard Yap. He named his new resto-bar as Luna J Gastropub na matatagpuan sa Il Terrazo, Tomas Morato malapit sa ABS-CBN.

Ang Luna J ang ikaapat at tanging Filipino restaurant na itinayo ni Richard at ng kanyang business partners. Katuwang ng aktor na nag-cut ng ribbon ang kanyang partners na sina Lester Pimentel, ang Singaporean businessman na si Ace at si Des Tanwatco.

“Pero may isang restaurant si Lester, ‘yung Wang Fu dito rin sa Il Terrazo. Parang nag-test market lang sila. I wasn’t involved pa with them that time. Pero ‘yung Wang Fu Chinese Bistro sa Morato, same group dito,” kuwento sa amin ni Richard.

Nakausap namin ang Kapamilya actor pagkatapos ng grand opening ceremony, “Luna J is serves home cooked Filipino food. ‘yung specialties like from Bicol, Pampanga, dito ‘yun. Walang fusion like dinuguan, bopis.”

Luna J came from the name of our great hero na si Juna Luna. Binaligtad lang daw nila para mas may dating and original.

Magaling daw mag-convince si Lester kaya napa-oo agad sa kanya si Richard na maging business partner niya sa kanilang company.

Kwento naman ni Lester, “We met up through our common friend na si Kate Valenzuela (handler ni Richard sa Dreamscape Entertainment Television). For this resto, hindi naman malaki ang puhunan. Tama lang. Maliit lang kasi siya.”

Hopefully, makapagbukas din sila ng Luna J gastropub sa ibang bansa. But so far, magko-concentrate raw muna sila rito.

Anytime this month naman ay magsisimula na si Richard Yap para sa shooting ng entry nila sa Metro Manila Film Festival 2014 ni Vice Ganda, ang “Praybeyt Benjamin 2” directed by Wenn Deramas. Pagsasabayin niya ang pagte-taping ng serye nilang Be Careful With My Heart at shooting ng “Praybeyt Benjamin.”

“Well, now three times a week kami nagti-taping sa Be careful and three times din sa movie. So, six days ang trabaho,” kuwento ni Ser Chief.

Sa kabila nito, may time pa naman daw siya sa kanyang misis at mga anak, “When I go home, may gabi pa naman, e. Ha-hahaha!”

Hindi natuloy ang project na binubuo sana sa kanila ni Anne Curtis. Hindi raw kasi magtugma ang kanilang schedule, “For the mean time, mukhang naka-shelve muna. Concept pa lang naman ‘yun.”

Sakto naman dumating ang offer for him na maging leading man ni Vice for “Praybeyt.” Syempre, hindi na pinalampas ni Richard ang pagkakataon kaya accept niya agad ang movie.

“Since nawala na ‘yung Be Careful na movie, and then, sabi nila, ‘Sige, we’ll think of another one.’ E, hindi nga natuloy ‘yung kay Anne. And we were thinking of others also. Tapos sinabi ni Vice sa akin, ‘O, why don’t we do a movie?’ Sabi ko, ‘Sige, okey agad.’
It’s worth the wait naman daw ang paghihintay niya, “I think I was just waiting for the right project. Ayoko namang mag-jump sa ano agad without all the experiences. Gusto ko ‘to kasi ano may konting action, may konting comedy.”

Nakadagdag pa sa excitement ni Richard on his first biggest movie ay ang pagkakasali ng “Praybeyt Benjamin 2” sa MMFF this year.
Lumikha ng napakalaking record sa box-office ng “Praybeyt Benjamin” ni Vice noon with Derek Ramsay. Pero ayaw munang isipin ni Richard ang tungkol sa box-office.

Another first kay Richard na ang “leading lady” niya sa pelikula ay isang gay.

“Ha-hahaha! At least ano, bago. Hindi puro leading lady,” natatawa pa ring sabi ni Richard.
Wala naman kay Richard ‘yun kasi kahit mukhang stiff and conservative ang tsinitong actor, e, hindi naman siya homophobic.

“I have a lot of friends na gay. As friends naman, e. Saka kami ni Vice para kaming ano, magkaibigan talaga kami.”
E, kung magka-debelopan sila ni Vice at ligawan siya ng Unkabogable star?

“Ay, hindi naman. Kasi alam ko ang mga type niya, e,” natatawang pambubuking ni Richard sa taste ni Vice sa lalaki.

Pero ngayon pa lang marami na ang naku-curious kung paano tatakbo ang pelikula ng dalawa. Pumayag din kaya si Ser Chief na magkaroon ng kissing scene with Vice Ganda?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At magpaseksi rin kaya ang leading man ni Jodi. Sta Maria sa Be Careful With My Heart tulad ng ginawa ni Derek sa part 1 ng “Praybeyt Benjamin”? Kung papayag si Richard, tiyak na hindi ito palalampasin ng mga babaeng nagpapantasya sa kanya, lalo na ang mga matrona. Ha-hahaha!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending