SA isang supermarket sa Davao City tumaya ang nanalo ng P81.1 milyong jackpot prize ng SuperLotto 6/49. Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office isa lang ang tumaya sa mga numerong 09-28-12-25-05-14 sa bola ng 6/49 noong Linggo ng gabi. Siya ay tumaya sa lotto outlet sa NCC Supermarket. Nagkakahalaga ng P40 ang kanyang itinaya.
Nagkakahalaga ng P32.5 milyon ang itinaya sa naturang bola. Sa bawat P1 itinataya sa lotto, 55 sentimos ang napupunta sa Prize Fund, 30 sentimos sa Charity Fund at ang nalalabi sa operasyon ng lotto. Leifbilly Begas
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.