Kris milyones ang kinikita sa Taxi Business ni Luis
NOW we know kung bakit bonggacious ang wedding gift ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa kanyang future inaanak sa kasal na sina Angel Locsin and Luis Manzano, ang airfare and hotel accommodation trip to Italy.
According to our source, Luis opened the door para maging partners sila ni Kris sa kanyang taxi business. Sumosyo si Kris sa LBR Taxi na pag-aari ni Luis and his college friends.
Hindi lang sure ng aming source kung paano ang hatian ni Tetay at ng kumpanya sa kita. Pero possible raw na 70-30 ang deal nina Kris at Luis diyan. Mahigit 200 units na ang LBR Taxi na umiikot sa buong Metro Manila.
Forty units daw agad ang binili ni Kris na pag-aari niya na taxi. So, natuloy ang nabanggit noon pa ni Kris on air na kakausapin niya si Luis dahil meron siyang business proposal.
Nakumbinse rin pala ni Kris ang panganay ni Batangas Gov. Vilma Santos na “bumakas” sa negosyo ng kanyang anak. Kaya tama lang talaga na regaluhan ng bongga ni Kris si Luis on his wedding sa laki na ng kinikita niya sa taxi business sa aktor-TV host.
( bandera.ph file photo )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.