Angeline Quinto ibabandera ang buhay ni ‘Amalayer Girl’
Ibabahagi ng Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN ngayong Sabado ang kwento ng babaeng tampok sa isang viral YouTube video na si Paula Jamie “PJ” Salvosa, o mas kilala bilang si “Amalayer Girl”.
Ang singer-actress na si Angeline Quinto ang gaganap bilang si PJ. Sa kabila ng pag-iwan sa kanya ng kanyang ina, lumaki si PJ na puno ng pagmamahal ng kanyang ama, lolo, at lola.
Ngunit dahil sa isang pagkakamali, susubukin ang tatag ng loob ni PJ nang maging isa siyang biktima ng cyber bullying.
Gaano kahirap para kay PJ na mapagkaisahan ng mga taong hindi naman siya lubusang kilala?
Paano niya natutunang tanggapin at patawarin ang kanyang sarili at ang mga taong nakasakit sa kanya? Tampok rin sa MMK episode na ito sina Phoemela Barranda, Liza Dino, Kean Cipriano, Wendy Valdez, Pamu Pamorada, Cris Villanueva, Liza Lorena, Chinggoy Alonzo at Casey da Silva.
Ito ay sa direksyon ni Garry Fernando at sa panulat ni Benson Logronio. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-del Rosario.
Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, MMK, tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Home Sweetie Home sa ABS-CBN.
( Photo credit to EAS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.