Piolo mas pinili ang anak kaysa kay Shaina | Bandera

Piolo mas pinili ang anak kaysa kay Shaina

Ervin Santiago - July 17, 2014 - 03:00 AM


SI Iñigo Pascual ang dahilan kung bakit hindi nagkatuluyan ang kanyang amang si Piolo at si Shaina Magdayao. Mismong ang Kapamilya leading man ang nagsabi na mas pinili muna niyang alagaan ang kanyang anak kesa mag-girlfriend.

Ayon kay Piolo, oras at panahon ang kulang sa kanya para maging maligaya naman ang kanyang lovelife, pero aniya, naniniwala siyang tama ang desisyon niya na unahin muna niya ang kanyang anak at ang kanyang trabaho. Sey ni Piolo, kahit naman daw hindi sila nagkatuluyan ni Shaina ay friends pa rin sila.

“I guess the bottom line with Shaina is that we were able to preserve the friendship. Hindi kami nagkasiraan, hindi kami nagkaroon ng sour separation. Because friends kami in the beginning at natapos kami nang magkaibigan.

“So, at least, kung anuman ang mangyari in the future, nasabi namin na naprotektahan namin yung relationship namin,” sey ng binata kasabay ng pagsasabing walang nangyaring hiwalayan sa pagitan nila at hindi rin totoong binasted siya ng dalaga.

“Wala namang nangyaring separation. Wala naman, wala namang nangyaring ganu’n.  So, wala kaming babalikang hindi naayos na. Never naging kami ni Shai. Okey kami. I’m friends with her family. I’m friends with her friends.

I’m friends with V (Vina Morales, sister ni Shaina.“Siguro, I wanna keep it that way, kasi I wanna be fair to her na ako yung may problema. Hindi ko mai-commit ang sarili ko. Wala akong oras sa lovelife,” paliwanag pa ng hunk actor.

Dito na pumasok ang isyu sa kanyang anak na si Iñigo na binata na ngayon. Inamin ni PJ na talagang hindi siya makapag-girlfriend dahil sa anak, “My deal with him is that when he turns 18.

You know, one the biggest… I don’t wanna say mistake, pero immature decision I’ve made, is when I’m committed to him, I will not have girlfriend until he’s 18.

“At that time, batang-bata pa. Wala pa yata siyang teenager. So, when I committed to that, at nagkaroon ako ng girlfriend, nagalit yung bata naturally. So, I don’t wanna do it the second time around for the kid to be traumatized and not believe my word anymore,” chika pa ni Piolo.

At bilang kapalit, nag-promise naman si Iñigo na hindi muna siya manliligaw hangga’t wala pa siyang 18, “Hindi ko alam kung bakit niya sinabi yun, e, gusto ko ngang magkaroon na siya ng girlfriend na.

Dagdag pa ni PJ, “Pero ako, yun ang sinabi ko sa kanya. I just want to commit to him, because if I have free time, mas maganda sana if I spend it with him and for him.”

Napakaganda ng relasyon ng mag-ama, actually para lang daw silang mag-best friends, “Open communication kami ng anak ko.  Kung kinakailangan kong pagalitan yung bata, pagagalitan ko.

We don’t keep anything from each other.” Diretsong sinabi ni Piolo na gusto na rin sana niyang sundan si Iñigo,  Totoo bang gusto niya nang sundan si Iñigo, “Oo naman. E, wala pa.

Ang time frame ko po, siguro pagkatapos nitong kontrata ko sa ABS. Kasi hindi ko rin naman mabibigyan ng oras, e.  Pinakasalan ko muna yung kontrata ko.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to piolo pascual official fanpage )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending