Andi: OK lang kung lagi akong kontrabida!
Wala issue kay Andi Eigenmann kung kontrabida pa rin ang magiging role niya sa susunod niyang teleserye sa ABS-CBN pagkatapos ng Dyesebel. Si Andi ang kontrabida ni Anne Curtis sa nasabing serye na matatapos ngayong Biyernes sa Primetime Bida.
Para kay Andi, kung feeling niya ay matsa-challenge siya sa isang proyekto, gagawin niya ito nang buong puso. “Hindi po ako natatakot na ma-typecast as a kontrabida, because para sa akin, it’s just about being committed to your role entirely.
“Hindi po ako nagwo-worry na baka dito na lang ako ma-stuck or whatnot. ‘Yung akin lang, kung ano ang ibigay sa akin, if I think I can do a good job at it, tatanggapin ko po siya,” paliwanag ni Andi.
“Gagawin ko lang ang best ko. Hindi ko iniisip kung saan papunta ‘yun. I’m just going to concentrate on doing a good job on what is handed to me right now,” pahayag pa nito.
Chika pa ni Andi, super nag-enjoy daw talaga siya bilang si Betty sa Dyesebel, at tulad din ng iba pang cast ng serye, mami-miss niya ang kanilang pagte-taping sa beach at sa iba pang magagandang lugar na pinupuntahan nila.
At siyempre, marami rin siyang natutunan sa mga senior stars na kasama nila sa Dyesebel, lalo na raw kay Dawn Zulueta na gumaganap na nanay nila ni Anne.
Wish nga niya na makatrabaho niya ulit ang cast ng Dyesebel dahil napakaganda raw ng working attitude ng mga ito. Sa lahat ng mga loyal supporters ng Dyesebel, tutukan ang huling tatlong gabi nito at alamin kung ano nga ba ang magiging ending ng buhay ni Dyesebel.
Ayon sa aming source, bonggang-bongga ang huling episode ng serye ng Dreamscape.
( bandera.ph file photo )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.