GOOD faith is for everyone. Lahat meron nito, gaano man kasama ang tao. Ang Good faith is based on perspective, circumstances and intention. Nakabase rin yan sa point of view na nagsasabi na ginawa niya ang isang bagay in “good faith”.
For the presidency however, there are clear parameters of determining good faith in the exercise of ones’ position.
Iba ang sukatan nito pagdating sa panguluhan. Dito walang ifs and buts lalo na sa paggalang sa mga umiiral na batas at lalong-lalo na kung ang naging mantel ng iyong inihaing kandidatura ay tinawag mong “Tuwid na Daan.”
Good faith is only suspect when the actions are deliberate.
Kaya kailangan talaga ang detalyadong paliwanag kung saan ginugol ang pondo ng Disbursement Acceleration Program o DAP.
Ang timing ng paglikha ng DAP at maging ang timing ng terminasyon o pagtatapos nito ay maaaring magbigay na ng ideya kung saan napunta ang DAP, lalo na nang mabunyag na ang unang listahan ng mga nabiyayaan ng pondo.
Nagpaliwanag na si Pangulong Aquino on national television hinggil dito.
Ang tanong, sapat ba ang paliwanag niya para matapos ang isyu sa DAP?
Katanggap-tanggap ba ang kanyang paliwanag?
Kung ang ginawang pagpapaliwanag sa bansa at sa mga mamamayan ay udyok ng pagpapahupa ng mga batikos, hindi ba’t ito’y kuwestiyunable ding good faith?
The critics will always be there. Hindi mawawala yan. May mga sektor sa lipunan na ang nakikita lamang ay ang kamalian ng pangulo at ng sistema –kahit sino ang nakaupo. Given na yan.
Ang pinag-uusapan na lang dito ay ang tunay na katapatan sa panguluhan. Sino ba talaga ang pinaglilingkuran at sino ba ang tunay na dapat lang na pangilagan. Hindi ba’t ang mamamayan lamang?
Good faith is transparency. Saan ginamit ang pondo? Detalye ang kailangan! That can prove good faith.
Kung titingnan sa mas malawak na pang-unawa ang naging pasya ng Korte Suprema sa usapin ng DAP, ang intensiyon nito ay gabayan ang sangay ng Ehekutibo kung ano ang naaayon sa Saligang Batas at kung ano ang hindi.
Nalabag ang saligang batas, oo, ngunit maaaring maipaliwanag ng good faith. Maliban na lamang kung hindi wagas na malinis na layunin ang simulain ng DAP.
Ang inaasam ko sanang madinig sa pangulo ay ang kilalanin at tanggapin ng may paggalang at pagpapakumbaba ang naging pasya ng Korte Suprema.
Hindi magiging katanggap-tanggap kung hindi kikilalanin sa ilalim ng isang demokrasyang bansa, na ang pangulo nito ay hindi kikilalanin ang Saligang Batas.
Nang siya ay maging pangulo, ang unang naging opisyal na gawain niya ay ang manumpa sa Saligang Batas. Parang kailan lamang nangyari iyon. Apat na taon na pala ang nakalipas.
He can still prove good faith and the Filipino people in general I believe will still choose to accept this because they want the president to succeed in office and in leadership of the country.
Madaling gawin yun kung likas sa panguluhan ang pagpapakumbaba.
Para sa komento, i-text ang pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.