‘Rufa Mae gurang na, nakakadiri ang ginagawang paghuhubad!’ | Bandera

‘Rufa Mae gurang na, nakakadiri ang ginagawang paghuhubad!’

Jobert Sucaldito - July 13, 2014 - 03:00 AM


Dati gusto ko iyang si Rufa Mae Quinto – minahal ko ang babaeng iyan like a dear,dear friend. To the point na nakikiiyak din ako sa kaniya tuwing napag-uusapan namin ang pagkawala ng kaniyang pinakamamahal na lola.

Lola’s boy kasi ako kaya naka-relate ako sa kaniya.  Kaso, tinabangan na ako sa kaniya dahil she always breaks loose – walang isang salita. I felt that she takes everyone for granted kahit meron siyang commitment, basta inatake siya ng pagkaloka-loka niya, walang makakapigil sa kaniya – ang gusto niya ang susundin niya.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang isang invitation ko sa kaniya to sing for the grand opening ng isang resto ng kaibigan ko a few months ago. Meron naman siyang honorarium for her guesting, kasama ang ilang artists na malapit sa amin.

Umoo siya, as in. Tamang-tama raw yung invitation ko sa kaniya dahil close iyon sa date ng kaniyang Music Museum concert that time, for sure ay makakapagbenta raw siya ng tickets sa ibang guests ng resto.

Nakalagay na siya sa press releases, pati sa tarpaulin ng resto ay nandu’n na rin ang name niya. Mantakin mo ba namang two days before the event ay bigla siyang nag-text na hindi raw siya makakarating dahil may taping daw siya!?

Nahilo ako sa kahahanap ng kapalit niya – nahiya ako sa kausap kong may-ari ng resto who was very understanding and decent para payagan akong palitan na lang si Rufa Mae na ito.

Ang sumalo sa kaniya, of all people ha, ang ex-boyfriend niyang si Duncan Ramos na super-pangga ko rin. I texted her that time na huwag na huwag na siyang mag-text sa akin. Ayoko na sa kaniya.

Inilagay niya ako sa alanganin. Wala siyang isang salita – napaka-insensitive sa feelings ng kapuwa niya. Wala yata siyang pakialam kung maipit kami sa mga kausap namin – parang balewala lang sa kaniya.

Sa awa ng Diyos, hayun at super-flop ang concert niya sa Music Museum. That’s her karma for being a bad girl. Buti nga sa kaniya.

Kaya nang makita ko ang mga picture niyang rumampa sa party ng FHM, natatawa na lang ako nang palihim na may kasamang konting pandidiri sa pinaggagawa ng tumatanda nang sexy star na ito.

She will never win my heart again – promise! Sinayang niya ang pagmamahal ko sa kaniya. She’s so stupid in many ways. Hindi ko na siya ma-take. Eiewwww!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( bandera.ph file photo )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending