HI po! Tanong ko lang po kung ano po ang gagawin namin kasi hindi po updated ang pagbabayad ng company namin sa PhilHealth. Seven years na po ako sa company.
Hindi po ba maaapektuhan sakaling gamitin ko ito lalo’t hindi naman natin masasabi kung kailan tayo magkakasakit?
Kung I-print po ninyo ito sa Bandera, wag na lang po ninyo ilagay yung email address ko.
Salamat po.
Nina
REPLY:
Pagbati mula sa Team PhilHealth!
Patungkol po ito sa email sa Aksyon Line ni Miss Nina hinggil sa hindi pagbabayad kanilang kompanya sa PhilHealth.
Upang amin pong maberipika ang inyong rekord, mangyari lamang po na tumawag sa 441-7442 o mag-email sa [email protected] at malugod po namin kayong sasagutin agad.
Kung sakali pong maberipika sa aming rekord na hindi updated ang hulog ng inyong kumpanya, maaari po kayong magsampa ng reklamo laban dito. Kinakailangan lamang po na mag-fill-up kayo ng salaysay sa aming tanggapan upang ito ay magawan ng karampatang aksyon.
Hinggil naman po sa paggamit ng PhilHealth, kinakailangan po na may hulog nang hindi bababa sa tatlong buwan sa loob ng anim na buwan bago ma-ospital. Siguraduhin po natin na tuloy-tuloy ang paghuhulog ng kontribusyon upang makasiguro na magagamit ang benepisyong laan sa inyo.
Maraming
salamat po.
CORPORATE
ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center:
441-7442
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga.
Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ust
ream.tv/channel/dziq.vvv.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.