La Salle sisimulan ang title defense | Bandera

La Salle sisimulan ang title defense

Mike Lee - July 12, 2014 - 03:00 AM

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
12 n.n. Opening
Ceremonies
2 p.m. UE vs UP
4 p.m. La Salle vs FEU

IPAPARADA ng La Salle ang kanilang beteranong lineup habang makikilatis ang lakas ng host University of  the East sa pagsisimula ng 77th UAAP men’s basketball tournament ngayon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Tanging si LA Revilla lamang ang nawala sa Green Archers matapos magkampeon noong nakaraang season kaya’t pinapaboran sila na makadalawang sunod.

“Compared to last year, we are more matured now. Marami ring seniors players ngayon and the championship experience will help us a lot,” wika ni La Salle guard Jeron Teng.

Bukod kay Teng ay nasa koponan pa rin sina Almond Vosotros, Jason Perkins, Norbert Torres, Arnold Van Opstal, Thomas Torres at Yutien Andrara para sa koponan ni coach Juno Sauler.

Ang tikas ng Archers ay masisilayan kontra sa Far Eastern University Tamaraws na siyang tampok na laro at magsisimula matapos ang unang bakbakan sa ganap na alas-2 ng hapon sa pagitan ng UE Red Warriors at University of the Philippine Fighting Maroons.

Hindi na kasama ng FEU sina RR Garcia at Terrence Romeo pero papalitan sila ng beteranong guards na sina Mike Tolomia at Roger Pogoy. Solido pa rin ang frontline ng Tamaraws dahil nasa koponan pa rin sina Anthony Hargrove, Mark Belo, Bryan Cruz at Russel Escoto.

Sina Roi Sumang at Charles Mammie ang mamumuno sa Red Warriors na ipaparada rin ang bagong import na si Arafat Moustapha at ang coach na si Derrick Pumaren.

Tiyak na ipaparada ng UE ang kinakatakutang pressing defense na ginamit ni Pumaren noong pinagkampeon ang La Salle sa dekada 90. Sa kabilang banda, nais ng Fighting Maroons na makuha ang unang panalo para kalimutan na ang 0-14 marka noong nakaraang taon.

Si Rey Madrid ang siyang uupo sa bench at aasahan niya ang mga batang sina Henry Asilum at Kyles Lao na magpapatuloy ang magandang ipinakita noong nakaraang taon bukod sa liderato na ihahatid ng nagbabalik na beterano na sina Mark
Juruena at Mikee Reyes.

( Photo credit to la salle official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending