Ai Ai nag-iiyak: Yung mga halimaw lalong nagiging halimaw! ang titigas ng mukha! | Bandera

Ai Ai nag-iiyak: Yung mga halimaw lalong nagiging halimaw! ang titigas ng mukha!

Julie Bonifacio - July 10, 2014 - 03:00 AM


HUMULAGPOS ang damdaming ina ng Comedy Queen  na si Ai Ai delas Alas sa pagkakadawit ng kanyang anak na si Sophia sa pamba-bash sa komedyana sa social media.

Hindi napigilang umiyak ni Ai Ai habang ikinukwento niya sa amin kung paano siya ipinagtanggol ng anak sa mga nanlalait sa kanya.

Nag-post kasi ang 18-year old daughter niya na kasalukuyang nag-aaral sa Amerika sa kanyang Instagram account ng sagot sa mga namba-bash sa nanay niya.

That same post ni Sophia ay pinost din sa isang blog site kung saan umani ng maraming panlalait si Ai Ai. “Actually, ‘yun ang gusto kong sabihin sa kanila na ibash ninyo na lang ako, but please, spare my children,” diin ni Ai Ai habang pinipigil ang pag-iyak.

Unang-una, hindi showbiz ang kanyang mga anak. At natural reaction lang daw na masaktan sila dahil nanay nila ang nilalait. ‘Yung ibang anak nga raw nakikipagpatayan pa kapag binastos ang kanilang ina.

“And ‘yung anak ko,” sabay bagsak na ng mga luha ng komedya, “Ganoon talaga ang mga anak ko. Sobrang mahal nila ako. Ang akin, kapag  ‘yung mga anak na, huwag naman. Huwag naman.

Kahit saan tayo makarating, ako lang kaya ko. Pero ang mga anak ko, huwag,” umiiyak pa ring sabi ni Ai Ai. Sobrang natuwa raw si Ai Ai sa kanyang anak sa mga sinabi pa sa kanya ni Sophia, “Sabi niya, ‘Mommy we love you and we will stand for you.

We’re always here with you.’  Sabi ko, tama na. Okey na ‘yun. Nasabi mo na ang gusto mong sabihin.”  First year college ngyon sa US si Sophia taking up Child Psychology. Pwede raw nitong ipagpatuloy sa pagdodoktor ang kurso niya.

Kasama ni Sophia sa US ang kapatid na si Nico at ama na si Miguel Vera. Plano naman ni Nico na pumasok sa US Army. Nakatira ang mga anak ni Ai Ai sa bahay ni Miguel kasama ang misis ng singer.

Sa kabila nang inabot na pamba-bash ni Ai Ai sa social media, hindi pa rin daw siya titigil sa pagpo-post ng kanyang mensahe and pictures. “Hindi kasi wala naman akong ginagawa sa kanila.

Wala akong Twitter, Instagram lang. E, wala naman akong ginagawa sa kanila, bakit ko aalisin? Wala namang masama kung mag-post ako ng gusto ko. May Facebook ako, pero hindi ako active.

Instagram ako active. E, kasi nakakatuwa ang Instagram, ‘di ba? Pa-picture ka, ganyan. Kung anu-ano ‘yung mga picture mo doon? Kung anu-ano ang mga nangyayari sa buhay mo,” sabi niya.

Pagpapatuloy pa niya, “And actually, nasa-shock ako sa social media na maraming kung anu-ano ngayon. Hindi ba naiba na ang buhay ng tao ngayon? Hindi ko sinasabing kayo lahat ito!

Ang sinasabi ko, iba na ang buhay ngayon. At ‘yung mga halimaw, lalong nagiging halimaw. Ang titigas ng face.” Mas malakas pa raw ang loob ng bashers na magdemanda kesa sa nilalait nila, “Hindi mo naman sila kilala pero ikaw kilala.

‘Yun ang disadvantage. Ako, kilala nila ako at open ang IG ko. Ako, hindi ko sila kilala. Unang-una, sino ba kayo? Totoo ba kayo na talagang galit kayo sa akin?”

Or ‘yung iba naman na namba-bash, possible na manipulated ng iba, “Exactly, ‘yun ang sinasabi ko,” pag-ayon pa ni Ai Ai.
Samantala, sa July 18 ang last taping ni Ai Ai at ng buong cast ng pantaserye nila sa Primetime Bida ng ABS-CBN na Dyesebel.

Habang magsisimula anytime ng bago niyang pelikula si Ai Ai under Star Cinema. At nag-last shooting day naman siya for her first indie film na “Ronda” last week.

Ang “Ronda” ang isa sa official entries sa Cinemalaya Film Festival na magaganap next month. Inalok kay Ai Ai ang movie at natuwa naman siya rito kaya niya tinanggap ang project na idinirek ni Nick Olanka.

Policewoman ang role ni Ai Ai rito kasama sina Cesar Montano,  Carlos Morales at Carlo Aquino.  Producer din ng movie si Ai Ai. Hindi naman daw siya nage-expect na manalo bilang Best Actress sa Cinemalaya or sa Urian. Ma-nominate lang daw siya, happy na si Ai Ai.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to ai ai delas alas official fanpage )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending