Pulis na may kasong murder, na-promote | Bandera

Pulis na may kasong murder, na-promote

Ramon Tulfo - July 10, 2014 - 03:00 AM

DITO sa ating bansa, kinikilingan ng hustisya ang mga mayayaman o maimpluwensiya laban sa mga mahihirap.

Once again, napatunayan ito sa kaso ng pagpatay kay Christian Serrano, isang 13-anyos na scavenger, noong May 9, 2011 sa Bagtikan, Makati City .

Si Serrano ay walang awa na pinatay ni police Chief Insp. Angelo Germinal na noon ay hepe ng Police Community Relations 5 ng nasabing siyudad.

Ang kaso na isinampa kay Germinal ay murder, isang krimen na walang piyansa.

Pero pinayagan ni Makati Regional Trial Court Judge Cristina Sulit na makapagpiyansa.

Sa pagbibigay ni Sulit ng desisyon na makapag-bail si Germinal, pinagaan ng hukom ang kaso ng akusado.

Mabigat ang ebidensiyang murder laban kay Germinal dahil sa planong pagpatay, isang principal na elemento ng murder.

Gumamit si Germinal ng kanyang .22 caliber rifle, at hindi ang kanyang isyung baril, sa pagpatay sa bata.

Ibig sabihin, pinag-isipan o pinagplanuhan ni Germinal ng mabuti kung paano niya papatayin ang bata.

Ang batang si Christian ay nagpupulot ng mga kasangkapang makakalakal sa isang gusaling abandonado na.

May probabilidad na ang abandonadong gusali ay ipinagkatiwala kay Germinal ng may-ari nito.

Kaya’t nagalit si Germinal nang makita niya si Christian at ilang mga scavengers na nangunguha ng mga makakalakal sa abandonadong gusali.

Bakit pinayagan ni Judge Sulit na makapagpiyansa si Germinal samantalang mabigat ang ebidensiya laban sa kanya?

Kaibigan ba ni Sulit ang pulis?

May nakiusap ba sa hukom na hayaan na lang na makapagpiyansa si Germinal yamang mahirap lang naman si Christian at walang patutunguhan samantalang itong si Germinal ay opisyal ng pulisya?

Alam ba ninyo na si Germinal ay na-promote pa sa ranggong superintendent (katumbas ng lieutenant colonel sa military)?

Na-promote si Germinal kahit na pending ang administrative case laban sa kanya sa National Police Commission (Napolcom).

Ang kasong administratibo laban kay Supt. Angelo Germinal ay hindi pa nadedesisyunan mula nang ito’y maisampa sa Napolcom noong 2011.

Tinulungan ng aking programa, Isumbong mo kay Tulfo, ang mga magulang ni Christian sa pagsampa ng kasong administratibo laban sa pulis.

On the other hand, mga giliw na readers, ang kasong administratibo laban kay SPO1 Elmer Aglugub, na bumaril kay Rosalito Saballero, na nahuling umiihi sa pader, ay nadesisyunan na.

Dismissed from the service si Aglugub.

Ang nagbigay ng mabilis na desisyon ay ang Internal Affairs Service (IAS) ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Tinulungan ng “Isumbong” si Saballero, isang construction worker, sa pagsasampa ng kaso laban kay Aglugub.

Nagpapasalamat kami kay Director Marcelo Garbo, na noon ay NCRPO director, sa mabilisang desisyon sa kaso.

Hinuli ni Aglugub si Saballero dahil nahuli niya itong umiihi sa pader. Sinabi naman ni Saballero na hindi na siya makatiis at madilim naman ang lugar kung saan siya umihi.

Nang ayaw sumama si Saballero kay Aglugub dahil maliit lang naman ang kanyang kasalanan, binaril siya ng pulis.

Tinamaan ng ligaw na bala ang isang balut vendor.

Di pa nakuntento sa pagkakabaril kay Saballero, sinampahan niya ito ng resisting arrest, assault at iba pang kaso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dahil sa mga kasong isinampa sa kanya, nakaposas si Saballero sa kama habang siya’y nasa Philippine General Hospital (PGH).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending