Gwen Zamora: First time kong lumandi sa lalaki! | Bandera

Gwen Zamora: First time kong lumandi sa lalaki!

|January 31,2012
facebook
share this

Gwen Zamora: First time kong lumandi sa lalaki!

- January 31, 2012 - 03:35 PM

Hindi naman nagpapakakontrobersyal si Gwen Zamora dahil ayaw nga niyang sagutin ang pangungulit namin kung ano ang real score sa tsismis na hanggang ngayon ay nagpaparamdam pa rin sa kanya si bosing Vic Sotto?

“Hala! Sobrang respeto ko kaya du’n at kaibigan ang tingin ko sa kanya,” sagot nito sa intrigang kahit may Pauleen Luna na nga si Bossing ay hindi pa rin mamatay-matay ang isyu sa kanila.

Mas lumala pa ito ng kumpirmahin niyang close nga siya kahit kina Oyo Sotto at Kristine Hermosa dahil gaya ni Bossing ay ipinagluluto din niya ang mga ito, “Naku twice lang po yun.

After Christmas kasi, e, wala akong maisip na gift sa kanila kaya ipinagluto ko na lang sila.

Nagustuhan naman nila at natikman din ni Bossing yung pasta. Hanggang du’n lang yun. Kung mag-request pa sila at carry ko, why not,” kuwento ng aktres nang makaharap namin sa presscon ng Biritera

Ayaw daw niyang ma-label ng kung ano kaya kung makakaiwas siya ay gagawin niya.

Ang ikinaloloka nga raw niya ay ang pagiging flirt niya sa Biritera na mapapanood na next Monday sa GMA TeleBabad.

“Dito kasi kailangang landiin ko si Dennis (Trillo). Never ko pang nagawa yun sa tunay na buhay kaya ang dami kong pinapanood ng movies para makita ko ang different types of flirting.

Sana magawa ko ng hindi ako kaiinisan ng tao. Ha-hahaha!” hirit nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending