Bianca nahuling nagkakamot ng 'FLOWER' | Bandera

Bianca nahuling nagkakamot ng ‘FLOWER’

|January 31,2012
facebook
share this

Bianca nahuling nagkakamot ng ‘FLOWER’

- January 31, 2012 - 02:37 PM

NAKA-POST sa Facebook na nakunan si Bianca Manalo sa set ng Happy Yipee Yehey na nagkakamot ng kanyang private part kaya’t katakut-takot na pambabatikos ang inabot niya.

May mga nag-express ng kanilang pagka-turn off sa TV host-actress, meron din namang tuwang-tuwa, lalo na ang mga lalaking nakakita sa nasabing larawan.

“Eeeeeew…..‘yan ang beauty queen na garapal kumilos saka magsalita. sarap teh???? action speaks louder than words. dapat ba ganyan pa talaga  ang posture mo? huh????!!!!” ayon sa isang nag-react sa picture.

Nakatitiyak kami na kapag kinunan ng reaksyon si Bianca tungkol dito ay tatawa lang siya nang tatawa dahil matagal na niyang sinasabi na dedma lang siya sa mga ganyang issue, natural lang daw talaga siya at hindi niya kailangang maging pretensyosa.

Aminado rin ang dalaga na kahit sa pagsasalita ay hindi siya pa-sweet kaya napagkakamalan siyang palengkera.

Lagi niyang sinasabi na ‘yun talaga siya kaya bakit nga naman niya babaguhin?


Pero sa mga hindi nakakaalam, ito palang ugaling ito ni Bianca ang minahal ng todo ni John Prats dahil nakita na namin silang magkasama sa likod ng at talagang tumatalak ang dalaga kapag nagbibiruan sila.

Pero pag seryoso na ang pinag-uusapan nila ay makikita mo namang serious sila at heto pa bossing Ervin, lagi silang sweet.

Samantala, wala pa kaming nababalitaan kung ano ang next project ni Bianca sa ABS-CBN pagkatapos ng HYY dahil ayon sa manager niyang si Joji Dingcong ay under negotiation pa ang lahat.

Pero nu’ng nakaraang Sabado ay napanood si Bianca kasama ang boyfriend niyang si John sa Wansapanataym na may episode na “Mini Mi” na may temang “height doesn’t matter”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending