Pamilya ni Jinggoy tinawag na bobo at mga anak ng magnanakaw ni Mo Twister | Bandera

Pamilya ni Jinggoy tinawag na bobo at mga anak ng magnanakaw ni Mo Twister

Cristy Fermin - July 06, 2014 - 03:00 AM


Umariba na naman ang walang patumanggang kabastusan ng bansuting radio deejay na si Mo Twister. Ganu’ng kay layo-layo na nga niya sa Pilipinas ay napakahilig pa rin niyang sumawsaw sa mga kontrobersiyang nagaganap dito sa ating bayan.

Sobra-sobrang pambabastos ang ginagawa niya ngayon sa Twitter sa mga anak ni Senador Jinggoy Estrada, hindi niya naman kilala ang mga anak ng senador, pero kung pagsalitaan niya ang mga ito ay para bang kasa-kasama niya ang magkakapatid sa maghapon at magdamag.

Bobo kung tawagin niya ang mga anak ni Senador Jinggoy, mga anak ng magnanakaw at kung ano-ano pang mga salitang nakapag-iinit ng ulo, napakasarap pektusan ng bansuting deejay na ito.

Matapang lang naman itong si Mo Twister dahil nasa malayong lugar siya. Nang idemanda siya ng pamilya ni Rhian Ramos ay agad nang nag-impake ang unanong personalidad na ito para tumakas.

Subukan nga niyang umuwi dito at saka siya magmaangas? Ang mga duwakang talaga ay magagaling lang lumaban nang patalikod, hindi nila kayang harapin ang mga taong inaalipusta nila nang lantaran, alam nila na meron silang kauuwian.

Sa dami ng problema ng mokong na ito ay lumulutang pa rin ang kanyang kabastusan, galit sa mundo ang deejay na ito na bahagya nang tumaas sa tangke ng gas, masokista-sadista ang tamang paglalarawan sa kanya dahil maligaya siya kapag nasasaktan at masaya naman siya kapag may mga tao siyang pinaaaray.

Ano’ng kasalanan sa kanya ng magkakapatid na Estrada, ano’ng ginawang masama sa kanya ng mga ito para balahurain niya nang todo-todo sa social media, walang pinakamagandang magagawa ang bansuting si Mo Twister kundi ang bumalik dito sa Pilipinas at dito siya magkakatsang.

( Photo credit to inquirer news service )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending