Kris, P-Noy pinagtulungan sina Nora at Vilma
EVERYDAY ay talagang nasa news itong si Kris Aquino – para siyang magkakasakit kapag hindi siya napag-usapan for a single day. Ibang klase ang appetite niya sa publisidad – sooooo weird if I may say.
Left and right issues on her – merong Mayor Herbert Bautista, James Yap, Gov. Vilma Santos – what else? Lahat! I can’t imagine something on earth na hindi siya kasali. Hanepppp talaga!
A few days ago ay nagsimba ang lola Kris ninyo sa Manaoag. Kailangang ipag-pray daw niya ang magiging resulta ng pelikula nila ng anak niyang si Bimby – ang “Feng Shui 2” nila ni Coco Martin at ang “Praybeyt Benjamin 2” nina Bimby at Vice Ganda, pati na rin daw ang mga shows niyang The Buzz and Aquino & Abunda Tonight.
Nakakaloka, di ba? Talagang iyon ang sadya niya sa Manaoag at feeling talaga niya, didinggin ni Lord Jesus Christ ang kanyang mga pansariling hiling.
We don’t know kung ipinagdasal din niya ang pag-ahon ng mga Pinoy sa kahirapan sa ilalim ng pamumuno ng kaniyang nakakalbo nang kapatid na si Noynoy Aquino.
Or baka hindi siya aware na naghihirap na ang mga Pinoy dahil she lives in style – na left and right ang kita niya – soooo moneyed indeed! So, malay nga naman niyang milyong-milyong mga Pinoy ang hindi nakakakain sa tamang oras dala ng gutom talaga.
Isinama ba niya ito sa kaniyang dasal? Kasi nga, kahit hindi na niya ipagdasal pa ang “Feng Shui” at “Praybeyt Benjamin” ay sure nang hit ito sa takilya dahil magaling silang mambraso ng public servants all over the country para sumuporta whether they like their movies or not.
Isang mandato ito mula sa kanila na hindi puwedeng etsapuwerahin ng mga pulitiko or else sila ang pag-iinitan ng administrasyon ni P-Noy.
“Normal ba ang babaeng iyan? Imagine, ipinangalandakan pa sa media na kaya siya pupunta sa Manaoag para ipagdasal ang mga shows niya? Anong klaseng tao ba iyan?
Kung totoo mang iyon ang pakay niya sa pagpunta roon, di na lang sana niya sinabi sa press. Sinarili na lang sana niya at baka pakinggan pa siya ng Diyos. Napaka-weird talaga.
Parang may sarili siyang pamamaraan sa pakikipag-usap sa Diyos. Nakakaloka!” anang isang kaibigan namin. I don’t know. I don’t know how to describe Kris Aquino. She’s such an item.
Gusto talaga niyang napag-uusapan siya in whatever way she wants. Kahit sa pagpapadala na lang ni Gov. Vilma Santos ng ensaymada with matching card na sumablay ang ilang English words ay naging national issue pa.
Mano ba namang nagpasalamat na lang sana siya kay Gov. Vi sa pagpapadala nito ng lafang sa kaniya without exposing that letter, di sana napahiya ang gobernadora.
Knowing kung gaano katalas ang mata ni Kris sa spelling-spelling na iyan – kahit sa ordinaryong pag-uusap nga lang, pag mali ang English mo ay ikokorek ka niya kahit maraming tao kaya hindi ako naniniwalang hindi niya sinasadyang mapahamak si Gov. Vi sa pinost niya.
Ibang klase ang utak ni Kris – you know her naman, di ba? “Dati-rati’y umeeksena ang mga kapatid nila tuwing nasusuong sa malalaking issues sina Kris and P-Noy, di ba? Bakit bigla silang nanahimik ngayon?
Dahil busy sa kaaayos sa mga kontrata nila sa gobyerno? Ha-haha! Busy sila sa businesses nila with their respective husbands? Magsalita naman sila, we want to hear how they defend their siblings na nalalagay sa alanganin,” pag-dare ng isang kapitbahay.
No comment tayo riyan. Ibang usapan naman kasi iyan. Doon lang tayo sa issue nina Kris and P-Noy – malas lang nila dahil ang nasukol nila ay two of the biggest stars of this industry – sina Nora Aunor and Vilma Santos. Mahirap lagpasan ito, bah!
( bandera.ph file photo )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.