Kathryn, Daniel buking na, matagal nang may relasyon
Napakaguwapo ni Daniel Padilla ngayon sa bago niyang clean-cut na buhok nang makita namin sa presscon ng bago niyang movie na “She’s Dating The Gangster” with lovey-dovey Kathryn Bernardo, directed by the certified box-office director, Direk Cathy Garcia-Molina.
July 16 na pala ang showing nito at cute na cute ako sa trailer ng movie dahil parang bad boy-bad boy ang dating ni Daniel. May traces of the young Robin Padilla noon except for the fact na maputi si Binoe while moreno naman si Daniel.
Mas gusto ko ang kaguwapuhan ni Daniel dahil mahilig ako sa moreno, ‘no! Pero pag nagsasalita si Daniel, parang mala-Robin din na astig ang dating. Basta he looks so good now.
Sa presscon na ipinatawag ng Star Cinema for this film, napansin naming parang meron na talagang something between Kathryn and Daniel. Parang wala na yung pa-tweetums chos nila like before.
Hindi man nila nabi-verbalize pero parang mararamdaman mong sila na talaga. Parang lagpas na sa MU (mutual understanding) thing. What do you think?
Kahit ang kanilang mga supporters ay naniniwalang magdyowa na nga sina Kathryn at Daniel, baka ayaw lang nila itong ipaalam para ma-maintain ang pagka-mysterious nila sa publiko.
Baka nga naman kasi kapag umamin na sila, mabawasan ang kilig ng mga fans, di ba?
( Photo credit to she’s dating the gangster )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.