James pasimpleng inokray si Kris; reyna ng mga sawsawera
‘Yung kuwento ng pagkakaroon ng anak ni James Yap bago pa sila nagkaanak ni Kris Aquino ay isang matagal nang istoryang pinagpistahan sa loob at labas ng showbiz.
Bago pa lang na magkarelasyon sina Kris at James ay inamin na ‘yun ng basketbolista, pero hindi na nito pina-ngalanan ang babae, sa impormasyong nakarating sa amin nu’n ay nasa Amerika na ang mag-ina.
Anak ng isang retiradong militar ang naging karelasyon ni James, nagdalantao ang babae, at dahil ayaw ng pa-milya nito na mabahiran ng kung ano-anong kuwento ang kanilang pamilya ay sa Amerika na nanirahan ang babae.
Markado ang sinabi ni James na kahit kailan ay hindi nakisawsaw ang nasabing babae sa mga isyung kinasangkutan ng magaling na basketbolista.
Hindi sawsawera ang girl, kaya ang naging dating nu’n para sa mga kababayan natin ay pinasasaringan si Kris ng ama ni Bimby, sawsawera kasi si Kris?
Nu’n, kapag may nagsasabing nakarelasyon ni James ang isang babae at nakarating ang impormasyon kay Kris ay deadma lang siya, may sariling barometro ang aktres-TV host sa mga ganu’ng senaryo.
Madalas sabihin nu’n ni Kris, “Pag kinilabutan ang batok ko, totoo ang kuwento, pero kapag hindi, deadma lang!” E, kinilabutan nang ganggamais ang batok ni Kris nu’ng pumutok ang isyu sa pagitan nina James at Hope Centeno.
Natulala pa nga siya nu’n, sabay hawak sa kanyang nangingilabot at nangangapal na batok, agad siyang tumayo at tinawag ang kanyang mga PA, “We will go na, I will not finish the show anymore!”
Du’n na nagsimula ang makasaysayang away nina Kris at Dra. Vicki Belo dahil kinunsinti raw ng doktora ang pakikipagrelasyon ni James sa receptionist ng clinic nito samantalang magkaibigan sila.
( bandera.ph file photo )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.