Angel walang kiyeme sa hubaran | Bandera

Angel walang kiyeme sa hubaran

|January 29,2012
facebook
share this

Angel walang kiyeme sa hubaran

- January 29, 2012 - 03:06 PM

Naka-bra at panty lang sa shooting

NAKATSIKAHAN namin si direk Cathy Garcia sa Grams Diner sa ABS-CBN nu’ng Biyernes ng gabi habang nagse-set-up ang crew niya para sa eksenang nagkakape sina John Lloyd Cruz at Angel Locsin sa pelikulang “Unofficially Yours” mula sa Star Cinema na ipalalabas na sa Peb.15.

Napagkuwentuhan namin kung sinu-sinong mga artista ang gustung-gustong makatrabaho ni direk Cathy dahil hindi raw siya binibigyan ng sakit ng ulo at mga naging kaibigan na niya.

Unang-una niyang nabanggit si Lloydie dahil ilang pelikula na nga naman ang pinagsamahan nila bukod pa sa close raw sila talaga ng aktor, “Sobrang thankful nga ako kasi maalaga at saka hindi niya nakalimutan ‘yung pangako niya sa burol ng aking asawa.

“Sabi raw niya, ‘Hindi ko pababayaan ang mag-iina mo,’ na ikinuwento lang naman niya sa akin,” bungad kuwento ng direktor.

Sobrang touched at halos maiyak pa nga raw sa tuwa si direk Cathy nu’ng regaluhan silang mag-iina ng aktor ng two-night stay sa Edsa Shangri-La nu’ng New Year.


“Tanong nang tanong sa akin si Lloydie kung anong plano ko nu’ng Pasko, sabi ko, bahay lang with my family, tapos maya-maya tumawag ulit, sabi niya, gift daw niya sa aming mag-iina, two nights stay sa Shang.

Sabi ko, hindi ako puwede kasi may guesting ako ng Dec. 26, kung gusto niya, iurong na lang niya.

“Tapos, tumawag ulit at okay na raw, so natuwa ako for my kids, kaya sobrang touched ako kasi isipin mo, naisip ni Lloydie ‘yun para sa amin. E, ang mga anak ko, sobrang tuwa at nag-swimming lang naman sila roon.

“Sobrang masaya ako kasi nakita ko ‘yung dalawang anak ko kung gaano kasaya, bilang ina, siyempre ‘yun lang naman ang gusto mong makita, di ba? Kaya doon kami nag-stay ng New Year’s Eve.

“E, iba pala ang presyo ng buffet pag ganu’ng season, sobrang mahal, buti na lang libre kami, kasi hindi ko kakayanin talaga ang presyo du’n,” pag-amin ni direk Cathy.

At si Angel naman daw ay isang Canon digicam ang regalo sa kanya nu’ng Pasko at tinanong din namin ang ibang artistang nakatrabaho niya kung ano naman ang bigay sa kanya.

“Wala naman kasi hindi naman kami magkatrabaho that time. Kung sino lang ‘yung inabutan,” say ng direktor sa amin.

Pagkatapos pala ng “Unofficially Yours” ay isusunod niya agad ang pelikulang muling pagtatambalan nina John Lloyd at Sarah Geronimo.

“Part three na ng ‘You Changed My Life’, wala pang title, eh.”

Samantala, tinanong namin kung anong bagong ipapakita sa “Unofficially Yours” at bakit ito ang titulo ng pelikula?

“E, kasi wala silang (Angel at John Lloyd) commitment sa pelikula, pero gusto nila ang isa’t isa at may nangyayari,” say ni direk Cathy.

At hubo’t hubad pala si John Lloyd sa pelikula, “Sexy lang, kasi kailangan sa istorya.

Marami kasing bed at kissing scenes, e, kailangan talaga nakahubad. Ayaw naman ni John Lloyd maglagay ng plaster kasi masakit daw, so nakatakip lang siya ng kumot, pag take na, tatanggalin niya,” kuwento ulit sa amin.

Ang mabilis na tanong agad ng katotong Julie Bonifacio ay kung nasilipan ni direk Cathy ang aktor, “Ay, hindi. Hindi naman kami ganu’n ka-close na para makita ko pa, ikaw naman!” natawang say ni direk.

Si Angel daw ang sobrang inalagaan ng husto dahil safe raw ang suot ng aktres, “Ay alaga si Angel dito, naka-bra at panty, may takip, siyempre. Bilib nga ako kasi walang kiyeme si Angel, talagang sumusunod.”

Hindi raw naramdaman ni direk Cathy na nailang si Angel sa mga eksena nila ni Lloydie, “Siguro nakita ni Angel na alaga siya at saka si John Lloyd, kapag hindi pa take, hindi siya tumitingin, nakatalikod maski na nag-uusap sila, so hindi nagte-take advantage si John Lloyd.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Tapos pag take na, doon pa lang titingin si John Lloyd, siyempre, wala naman siyang choice at maalaga siya talaga sa leading lady niya,” pahayag sa amin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending