TALAGANG hindi maawat sa pagiging taklesa itong si Mo Twister.
Kahit na kasi wala na siya sa bansa ay nakukuha pa rin niyang mang-intriga.
Ang latest victim ng kataklesahan ni Mo ay ang Pangulong Noynoy Aquino at TV host na si Grace Lee.
Sa recent tweet ni Mo kamakailan ay ito ang ibinandera niya: “We are talking about Grace Lee’s date last night with President Aquino.#itsmorefuninthephilippines.”
Not surprisingly, nabulabog ang Twitter world sa revelation ni Mo na gusto pa yatang magpakontrobersiyal kahit na wala na siya sa bansa.
Na-shock naman si Grace sa mga revelation ni Mo kaya tinext niya ito ng ganito: “@djmotwister: Look what you did!!!!”
In-acknowledge naman ni Mo ang kanyang kataklesahan at humingi ng paumanhin kay Grace sa Twitter, “Im so sorry =( but hey, sincerely, BE CAREFUL,” tweet ni Mo.
Nagsalita naman si Grace sa isang programa niya sa GMA News TV, dinenay niya na nag-date sila ni P-Noy, ayon sa dalaga, “Wag po muna kayong maniwala sa lahat ng nababasa ninyo.
Lalo na ’pag ang article na ’yon ang sinasabi ay si Grace Lee ang nagsabi or according to her.
Wala pa akong nire-release na statements and I have never spoken of him (P-Noy) publicly yet.”
Nakantiyawan naman ang Pangulo nang magkita sila ni Grace Lee sa isang event sa Cebu kung saan host ang huli.
Sinabihan kasi niyang maraming guwapa sa Cebu and that includes Gace Lee who was there to host.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.