Hamon ng Noranians: P-noy please lang, magpaliwanag ka!
SARI-SARING mga teorya na ang naglalabasan tungkol sa di pagkahirang sa mahal nating Superstar na si Nora Aunor bilang National Artist.
Siya lang daw ang tanging supposed recipient ng parangal na ito ang hindi nilagdaan ni P-Noy considering that amongst the nominees, si Mama Guy ang nakakuha ng pinakamataas na boto.
“Wala kasing pakialam si P-Noy sa culture and arts natin. Mas busy siya sa paglalaro ng X-Box at pag-aalaga sa mga pamangkin niya lalo na kay Josh,” ang pang-ookray ng isang kakilala namin.
Hindi na maganda ang kinahihinatnan ng mga salita laban sa pangulo ng bansa. Hindi na maganda ang tono ng mga tao laban sa kaniya. Napakarami na kasing kinakaharap ni P-Noy sa kasalukuyan kaya hindi rin biro ang kaniyang pinagdadaanan.
Kailangan niya rito ng mahuhusay talagang advisers para malagpasan ang lahat ng challenges. “Kaya siguro hindi niya pinirmahan ang papel ni Nora Aunor dahil taga-TV5 ito.
Di ba’t galit siya kay Manny Pangilinan dahil kay Kris Aquino na natsismis na tinanggihang gawing presidente ng said network. Taga-ABS-CBN kasi si Kris kaya ayaw niyang panigan ang nominasyon ni Nora,” sabi ng isang top executive ng isang kompanyang nag-text sa inyong lingkod.
“Kasi raw imoral si Nora – ayaw daw ng simbahan sa kaniya. Tsaka yung issue ng drugs noon sa US ang ikinakabit sa pangalan ng aktres kaya disqualified daw,” anang isang kakilalang nagmamarunong.
“Kailan pa naging isyu ang moralidad sa paghirang ng isang National Artist? Hindi santo ang pinipili rito – National Artist – someone who has so much contribution sa industriya natin.
Kung santo ang hinahanap nila – doon sa Vatican iyon – they are being beatified and canonized,” ang galit na galit na sabi ng isang Noranian.
Simple lang ang nais naming marinig dito, ano ba talaga ang explanation ng Malakanyang, especially ni P-Noy na siyang may last say dito.
Siya lang ang puwedeng magkapagpaliwanag kung bakit hindi niya inaprubahan ang paggawad ng National Artist kay Mama Guy – no one else.
( Photo credit to inquirer news service )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.