Totoo, nanligaw ako kay Rachelle Ann! – Jed Madela | Bandera

Totoo, nanligaw ako kay Rachelle Ann! – Jed Madela

Reggee Bonoan - June 22, 2014 - 03:00 AM


Nakakaloka! Ang dami palang nabighani ni Rachelle Ann Go na kapwa niya singers bossing Ervin, dahil ang akala ko sina Christian Bautista, Erik Santos at Mark Bautista lang ang nanligaw sa kanya – aba’y pati pala si Jed Madela ay nanligaw din sa singer- actress.

Nangyari raw ang panliligaw ni Jed noong break na sina Christian at Rachelle Ann at ibinuking nga ng katotong Jobert Sucaldito na bonggacious manligaw si Jed dahil panay daw ang padala ng bulaklak at tsokolate.

Hmmmm, mahilig palang magpadala ng tsokolate si Jed, sana pala hinanap niya ang chocolatier na nagturo kay Paulo Avelino kung paano gumawa nito sa seryeng Sana Bukas Pa Ang Kahapon para napaibig niya si Rachelle Ann at malay niya, baka mabilaukan din ang dalaga dahil sa sarap ng tsokolate. He-hehehe!

Anyway, nag-move on na si Jed dahil as of now ay hindi na siya naghahanap ng babaeng liligawan niya, “Come what may na lang kasi as of now, I’m too busy din naman sa rami ng shows, so ito na lang muna ang concentration ko.

“Saka baka kung magkaroon din ako ng girlfriend, hindi ko rin maasikaso kasi busy nga at mahirap din kapag nasa showbiz din, mas gusto ko ang non-showbiz para maintindihan niya ang work ko,” paliwanag niya sa ginanap na presscon para sa nalalapit na birthday concert niya sa Hulyo 4 sa Music Museum na may titulong “Jed Madela All Requests”.

Inamin din ni Jed na sa edad niyang 36 ay hindi pa niya naisip magkaroon ng anak dahil nage-enjoy naman daw siya sa mga pamangkin niya.

Samantala, tanong ng entertainment press na dumalo sa presscon ni Jed, bakit sa Music Museum ang concert  niya, bakit hindi raw siya mag-Araneta Coliseum?

“Gusto ko kasi, a very intimate place kasi birthday concert siya.  Gusto kasi ng management/producers na it’s a very casual concert and of course, gusto rin naming i-delete ‘yung thought na, ‘audience kayo, ako magpe-perform’

“Kapag PICC kasi or sa malalaking venue, it’s too far na makasalamuha ang audience, so pag Music Museum, medyo candid, casual and on the spot interactive with my audience,” paliwanag ng 2005 WCOPA grand champion performer of the world.

Kung tutuusin nga raw ay challenge kay Jed ang concert niyang “All Requests” dahil, “We put up a Facebook fanpage kung saan puwedeng mag-request ang fans ng songs na gusto nilang marinig and we ended up hundreds and hundreds songs.

“So, naging challenge sa amin, paano gagawin ang concert na hindi magmukhang chopsuey, videoke/karaoke na concert. So, kahit paano naitawid naman namin, there are songs na hindi namin kayang isingit lahat, so pinili namin ‘yung most requested,  top 20 songs na ni-request at iyon ang ipapasok sa list.

“Kasi kung pagbibigyan naming lahat, I’m sure tatlo o limang oras siguro matatapos ang concert,”  sabi ng singer. Isa pang challenge kay Jed ay wala raw nag-request ng mga sarili niyang kanta sa kanyang album, “Ang karamihang ni-request ay mga kantang hindi ko ginagawa, so far nag-top sa request, ‘Let It Go’ (Frozen), ‘All Of Me’ ni John Legend, tapos biglang may  ‘Boom Panes’ ni Vice. Kaya it’s a very eclectic show, challenge night talaga.

“And we’re planning a fish bowl sa entrance na puwedeng maghulog ng songs na requess nila, kung baga challenge talaga ito for me and to musicians kasi on the spot talaga.

So iba pa itong nasa fish bowl at  ‘yung top 20 songs, it will be a crazy night talaga,” dagdag ni Jed.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to EAS )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending