Kumalat na may nagaganap ding negosasyon sa pagitan ng manager ni Carla Abellana (Arnold Vegafria) at ABS-CBN dahil gusto na rin nitong ilipat ang aktres sa nasabing TV network.
Pero agad itong pinabulaanan ng isang source mula sa ABS, “Alam ko, stay siya sa GMA.” Baka nagtanung-tanong lang daw si Arnold in case ililipat niya si Carla.
Sa pagkakatanda kasi namin ay tila hindi naman interesado ang Dos kay Carla dahil, “Marami na kaming talents na tulad ng beauty niya, so bakit kailangan pa naming kumuha?
Ide-develop lang naman kung acting ang pag-uusapan,” diretsong sabi sa amin noon ng isang TV executive.
Sa isang aktres daw interesado ang Dos, “Si _______ (name ng aktres), gusto rin namin, pero may kontrata pa siya kaya hihintayin na lang naming mag-expire para hindi naman kami masabihang namimirata.”
Well, kung lilipat ang aktres na ito sa ABS-CBN, ngayon pa lang sinasabi na namin, magiging isa siya sa goldmine ng nasabing network.
Tinanong din namin ang tsikang babalik na si Claudine Barretto sa ABS-CBN, “Talaga? Hindi namin alam, sino ang maysabi?” natawang sabi ng aming source.
Kaloka, iisa lang ibig sabihin, hindi na welcome si Claudine sa Dos?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.