Gabby Eigenmann umaming meron ‘EXPERIENCE’ sa mga bading | Bandera

Gabby Eigenmann umaming meron ‘EXPERIENCE’ sa mga bading

Ervin Santiago - June 21, 2014 - 03:00 AM


INAMIN ng Kapuso actor na si Gabby Eigenmann na may “experience” na rin siya sa mga bakla. Natanong siya tungkol dito dahil nga sa bago niyang teleserye sa GMA 7, ang Dading kung saan gaganap siyang isang tatay na bading.

Ayon kay Gabby, sa pagkakatanda niya, merong nanligaw sa kanya noong beki pero hindi na niya maidetalye kung paano ang eksaktong nangyari, “Oo ‘ata, e. Hindi ko na masyadong maalala.”

Chika ng aktor, nagsisimula pa lang daw siya noon sa showbiz nang may nagtangkang manligaw sa kanyang bading, “Malambing ako sa ano, e (beki). Sabi ko na lang, ‘Ah sorry po, hindi po ako ano.’ Ganu’n lang.”

Ayon sa direktor nila sa Dading na si Ricky Davao, bilib na bilib sila kay Gabby dahil effortless ang pagkakaganap nito bilang bakla, as in natural na natural!

Kaya niloloko nga raw siya lagi sa set kung bakit ang galing-galing niya bilang bakla. Handa na ba siyang matsismis o matawag na bading kapag nagsimula na ang serye nila sa GMA Afternoon Prime sa darating na Lunes (June 23) pagkatapos ng The Half Sisters?

“Okay lang, baka effective siguro. I’ll just treat it the same way when they used to see me doing villain roles, na kinukurot nila ako, hinahampas nila ako, ‘Ang sama-sama mo!’ Ganyan.

“If I would have that same ano na, ‘Ay, bakla ka, e. Baka bakla ka talaga?’ Kaya okay lang,” hirit pa ni Gabby na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala na siya na ang title role sa isang GMA soap.

Wala naman daw takot si Gabby na mapanood siya ng kanyang mga anak bilang isang bakla sa teleserye, “Nag-usap na kami, kasi apat sila, e.

Yung iba natuwa kasi, ‘Uy buti naman hindi ka kontrabida.’ So sabi ko, ‘So you know na my role.’ Sabi naman, ‘Yeah, you’re gay!’ So okay. Okay naman.”

May 18 years old nang anak si Gabby ngayon na sinundan ng 16, 12, at 10. Ibang-iba naman daw ito sa super hit series ng GMA na My Husband’s Lover na may tema rin ng kabaklaan, “I guess ibang atake naman dito, that’s why nga when we started to do the first taping day, first eksena namin, we tried to really not naman experiment, pero kasi before taping, nag-reading pa kami, e.

“Kaharap namin ang creative team, nanonood sila habang nagri-reading kami. I did different kinds of attack. I did different kinds of delivery para kung meron silang gusto na ma-suggest.

Sabi nila, dapat mas mahinhin, mas mabagal magsalita, mas malambing. “Kasi iniiba-iba ko, e. So kung saan sila comfortable then iyon yung gagawin ko kasi iyon ang gusto naming iwasan, na maging pareho sa My Husband’s Lover,” chika ni Gabby.

Makakasama rin sa Dading sina Glaiza de Castro, Benjamin Alves, Chynna Ortaleza, Gardo Versoza, RJ Padilla, Toby Alejar, Mymy Davao, Zarah Mae Deligero at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to gabby eigenmann official fanpage )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending