Dalawa ang SSS number | Bandera

Dalawa ang SSS number

Liza Soriano - June 21, 2014 - 03:00 AM

DEAR  Aksyon Line,
Ako po si Emmanuel Riego Rodil, tubong Sta. Cruz,  Marinduque.  Sumulat po ako sa inyo dahil ako po ay loyal  reader ng inyong payahagan. May asawa at mga anak. Ako po  ay  matagal na nagtrabaho sa Marcopper Mining Corporation   dito sa aming bayan ng Marinduque. Sarado na po ang employer   kung eto pero dito po ako nag serbisyo ng mahabang panahon.
Dahil sa ako po ay 60 anyos,  nag-aplay po ako ng  pension ko rito sa SSS Marinduque branch.
Ayon po sa kanila ay  dalawa ang SSS number ko, kayat nang sumulat sila sa akin ay kaagyat   kong pinuntahan at
inalam kung bakit nag-kaganoon.
Ipinaliwanag   ko po sa kanila na wala akong pagkakamali dahil sila naman ang   nag-iisue. Binigyan po nila ako ng SSS number 04-0133125-5.
Maari po ba ninyo akong matulungan ma fast-track or expedite ang   application ko for pension?   Lubos na guma galang at  nagpapasalamat. Patuloy po sana ang magandang serbisyo n’yo at   laging gabayan ng Panginoon Diyos.
Maraming Salamat po.
Umaasa,
EMMANUEL RIEGO RODIL  SSS-Member
REPLY: Ito ay kaugnay ng sulat ni G. Emmanuel Riego Rodil hinggil sa problema nang pagkakaroon ng higit sa isang
SSS number at ang posibilidad na mapabilis ang pag-process ng kanyang retirement claim.

Base sa aming record, ang SSS number na 04-0126378-9 ni G. Rodil ay nakansela na noong March 11, 2014. Ang na-retain na number, na siyang dapat niyang gamitin ay ang SSS number na 04-10133125-5. Ang kabuuang hulog ni G. Rodil, matapos ang cancellation ng isa niyang number at consolidation ng kanyang mga contributions sa mga number na ito, ay 230 buwanang hulog.

Tungkol naman sa pagpoproseso ng kanyang retirement claim, nais po naming ipaalam na mayroong prosesong sinusu-nod ang SSS sa page-evaluate ng mga claim. Ayon sa aming verification, na-tapos na ang pagevaluate ng claim ni G. Rodil at ito ay inaayos na para sa pagbabayad. Pinapayuhan namin siyang mag-follow up sa pamamagitan ng aming call center sa mga numerong (02) 9206446 hanggang (02) 9206455.

Sana ay nabigyan namin nang linaw ang mga katanungan ni G. Rodil. Salamat po sa in-yong patuloy na pagtitiwala.
Sumasainyo,
MAY ROSE DL FRANCISCO
Social Security
Officer IV
SSS Media Affairs

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?  Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City  o kaya ay mag-email  sa [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran  sa abot ng  aming makakaya.  

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ  990AM sa  Programang Let’s Talk;  Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7
hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng  Bayan tuwing  Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga.  
Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvv.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending