Agot Isidro maligaya kahit hiwalay sa asawa | Bandera

Agot Isidro maligaya kahit hiwalay sa asawa

|January 22,2012
facebook
share this

Agot Isidro maligaya kahit hiwalay sa asawa

- January 22, 2012 - 03:13 PM

Wala siyang kaplanu-planong mag-asawa uli

SA ginanap na presscon ng E-Boy na pagbibidahan ni Bugoy Cariño ay natanong si Agot Isidro kung alam pa niya ang spelling ng salitang “REST” dahil parang wala na raw kasi siyang pahinga as pagtatrabaho.

Hindi kasi nababakante si Agot dahil pagkatapos ng Tayong Dalawa with Coco Martin and Jake Cuenca nasundan ng Minsan Lang KitaIibigin kasama nina Coco, John Estrada, Amy Austria at Lorna Tolentino na sinundan agad ng Nasaan Ka Elisa kasama sina Albert Martinez, Melissa Ricks at Vina Morales na katatapos lang nu’ng isang linggo.

At heto na nga ang E-Boy na eere na sa Enero 30 sa ABS-CBN.

“Ha-hahaha! Alam n’yo naman na theraphy ko ‘to at saka gusto ko naman, mahal ko ang trabaho ko. Plus it’s a chance for me to do other roles,” sagot ni Agot.

Alam naman ng lahat na hiwalay na si Agot sa asawa niyang si Manu Sandejas pero good friends pa rin daw sila.

Hindi rin sila nabiyayaan ng anak ng kanyang nakahiwalay na asawa.

Samantala, may nag-tweet kay Agot ng, “Was born not to bear a child? Mula kay Treasureslover,” bagay na hindi nagustuhan ng aktres.

Ayaw na raw patulan ng aktres ang taong ito kaya’t minabuti niyang i-block na lang sa kanyang Twitter account, “Ha-hahaha! Huwag na ma-highblood, may block button naman!” ayon pa sa tweet ng aktres.

As of now ay single pa rin si Agot at busy sa work at inamin niya na hindi raw muna niya iniisip ang pakikipagrelasyon. Focus daw muna siya sa kanyang trabaho

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending