P-Noy imbiyerna sa mga artistang politiko
NATAWA ako sa headline ng isang newspaper – pinakikiusapan daw ni P-Noy ang mga botante na huwag iboto ang mga artista sa susunod na eleksiyon.
Huwag daw iboto ang mga pulitikong magaling magbasa ng script, magaling sumayaw at kumanta. Short of saying na huwag iboto ang mga artista dahil ang pinarurunggitan niya ay sina Senators Bong Revilla and Jinggoy Estrada na katatapos lang mag-privilege speech sa Senado.
“Paano na ang darling sister niyang si Kris Aquino na nagbabalak pa namang tumakbo raw sa next elections? Kungsabagay, hindi naman marunong kumanta, sumayaw at umarte si Kris kaya malamang exempted siya rito.
“Sa hosting lang naman siya mahusay kaya hindi natin siya maituturing na artista. Ha-hahaha! Itong si P-Noy talaga, taklesa rin – para rin siyang si Kris. Para siyang bading kung magsalita – ang hilig-hilig magparinig.
Nakakaloka ang pangulo ninyo, walang magawang matino,” anang isang malditang barkada namin. P-Noy’s statement is very swooping para sa mga pulitiko nating galing sa showbiz.
Sino ba ang magaling lang para sa kaniya – ang mga kaalyado lang niya? Paano tayong maniniwala na magaling ang mga kaalyado niya kung siya mismo ay hindi magaling?
Kung sa tingin niya ay si Mar Roxas ang pinakamagaling sa mga manok niya, aba’y natutulog yata talaga sa pansitan ang pangulo ninyo.
Nakakaloka ang mamang ito, hindi rin nag-iisip kung minsan. Itong administrasyong ito ay wala nang ginawa kungdi ang mambengga ng mga kaaway nila – takot na takot silang masilipan kaya this early ay panay na ang patutsada ni P-Noy sa mga kalaban, pag iba ang magpatutsada ay binabawalan nila dahil malayo pa raw ang eleksiyon ay nangangampanya na samantalang mas malala pa nga siya sa mga ito.
Baklang-bakla nga naman ang style niya. Hindi natin sinasabing bading si P-Noy pero his style is very us – very gayish, ha. Ano ba talaga, ate? Ha-hahaha!
Kungsabagay, just to remind everyone that being gay is soooo beautiful and so much fun. Believe me! Been there, done that. Ha-hahaha!
( Photo credit to inquirer news service )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.